An Otolaryngologist, more commonly known as an ENT, is a doctor who treats diseases and conditions involving the E – ears, N – nose, and T – throat (larynx/voice box). This also includes the oral cavity, or the mouth, where our tongue, tonsils, and salivary glands are located. The salivary glands are organs that produce our saliva. Also included in the scope of the ENT doctor is the neck, where you can find lymph nodes and the thyroid gland, which is an organ important for the normal metabolism of the body.

An ENT doctor may even go into further subspecialty training and focus on treating diseases of the ear (Otologist), nose (Rhinologist), larynx, (Laryngologist), and tumors of the oral cavity, neck, and thyroid (Head & Neck Surgery).

The ears are important structures both for hearing and balance. Usual symptoms experienced by a patient prompting consult with an ENT doctor are ear discharge, ear pain, ear fullness, hearing loss, and vertigo (i.e. dizziness described as the spinning of one’s surroundings). Usual conditions seen at the ENT clinic involving the ear are 1) Acute Otitis Externa, which is the infection of the outer part of the ear often due to improper/constant ear cleaning or swimming in the pool, 2) Otitis Media, which is an infection involving the middle ear most often due to persistent colds/rhinitis, 3) Impacted Cerumen wherein ear wax obstructs the ear canal because of incorrect ear cleaning, 4) Presbycusis, which is the gradual loss of hearing due to aging, and 5) Benign Paroxysmal Positional Vertigo, the most common cause of vertigo usually seen in the elderly.

The nose is the organ for smell and serves as a passageway for breathing, as well as filtering and humidifying the air we breathe. This is also were our sinuses, which are air-filled pockets, are located and they serve as the site where our nasal mucus is formed. Allergic and non-allergic rhinitis (viral or bacterial) can cause a runny nose, nasal congestion/blockage, and even a decrease in the sense of smell due to the swelling of the nasal mucosa/lining. Persistent rhinitis or colds, especially in patients with allergic rhinitis, can eventually cause the formation of nasal polyps that may block the opening of our sinuses and subsequently progress to sinusitis, which is the infection of our sinuses.

Important structures in our neck and throat are the larynx or voice box, tonsils, and the thyroid gland. The larynx/voice box is where our vocal cords are located – these are one of the structures important in the formation of our voice. They can change their width from thin to thick, depending on the voice level a person is trying to reach. Higher pitch involves thinning of the vocal cords while lower pitches involve a thicker width. Therefore anything that may affect this will cause hoarseness, which is any change in the quality of our voice. Usual conditions involving the vocal cords are 1) Laryngitis, which may be bacterial or viral, and may cause swelling of the larynx and manifest as painful swallowing and/or hoarseness, 2) Vocal Cord Nodules or Cysts, which are commonly seen among people whose profession involves constant use of their voice, such as call center agents, singers, talk show hosts, and teachers, and 3) Acid Reflux wherein acid from the stomach reaches the larynx due to dietary and lifestyle abuse.

Another important structure in the throat is our Tonsils. These are organs made of lymphoid tissue, which, during our childhood, help our bodies fight infection. As you reach adolescence and adulthood, your body’s immune system becomes fully developed and can fight infection without needing help from the tonsils. There is no need to remove the tonsils, also called Tonsillectomy unless there is recurrent infection (i.e. Recurrent Tonsillitis).

Lastly, the Thyroid Gland, which is found on the lower part of the front of our neck, produces hormones important for the normal functioning of our heart, muscles, and metabolism. An increase in the formation of hormones can cause a condition called Hyperthyroidism and produces symptoms of weight loss, palpitations, tremors, and menstrual irregularities. Hypothyroidism, on the other hand, involves decreased thyroid hormone formation and manifests as sluggishness, thinning of skin and hair, and weight gain. Tumors may develop inside the thyroid gland and can be benign (non-cancerous) or malignant (cancerous). All these conditions will cause enlargement of the thyroid gland, also called Goiter.

To know more about these conditions and when to consult an ENT Doctor, watch our video where we discuss in further detail these conditions involving our ears, nose, and throat.

Request an Appointment at ENT Manila

Book Appointment

Pinoy MD sa Super Radyo DZBB

Episode: November 30, 2019

Topic: General ENT

with Ms. Connie Sison & Dr. Jennifer Angela Almelor-Alzaga (ENT – Head & Neck)

Pinoy MD sa Super Radyo DZBB

Episode: November 30, 2019

Topic: General ENT

with Ms. Connie Sison & Dr. Jennifer Angela Almelor-Alzaga (ENT – Head & Neck)

Contents

Video Transcription

WHAT IS AN OTOLARYNGOLOGIST?

Connie: Dok, kayo po ay fellow ng Philippine Board of Otolaryngology – Head and neck surgery. Tama ba ang aking pronunciation?

Dra. Almelor-Alzaga: Yes po.

Connie: Paki explain lang ano, dok. Of course, ang sakop niyo is Ear, Nose, and Throat? Papaano ho ba iyan?

Dra. Almelor-Alzaga: Ang isang otolaryngologist, ang mas kilalang tawag sa amin ay tulad nga ng sabi po ninyo ay ENT. Misconception po ng karaniwang mga tao, ang E ay Ears, hindi kasama ang eyes. Ears, Nose and Throat. Lahat po ng sakit na nangyayari sa tainga, sa ilong, at sa bibig, iyan ang aming inaaddress. Bukod pa dito, kung may mga bukol po na tumubo sa leeg natin, tulad ng bosyo o yung goiter, mga bukol sa dila natin, o sa gawaan ng laway, lahat iyon ay kasama.

Connie: Parang ano no, ang dami ninyong kailangang aralin?

Dra. Almelor-Alzaga: Opo.

Connie: Mahirap yata nun, ano?

Dra. Almelor-Alzaga: Hindi naman po. Ang ENT doctor po kasi, ang maganda sa kanya, siya ay parehong medical at surgical na field. Ibig sabihin, nagoopera din po kami.

ALL ABOUT THE NOSE

Connie: Talagang sa ganitong mga panahon, mas marami ba ang nagkakaroon ng sakit dahil particular na dun sa panahon ho ano? Diba yung sa ating allergy, mga rhinitis, yung ganyan.

Dra. Almelor-Alzaga: Opo, kung sa ilong muna tayo magstart, with relation dun sa dahil nga magiging mausok ngayong New year. Magstart ako ng konting discussion sa normal na istraktura ng ilong para po mas maintindihan ng mga kasamahan natin. Ang ilong po, ito ay nahahati sa kanan at kaliwa na parte. Mayroon po tayong hati sa gitna ng ilong – ang tawag po namin dun ay Nasal Septum. Mayroon po tayong kanan at kaliwang parte ng ilong. At sa loob po ng ilong natin, mayroon tayong mga spaces doon, na tinatawag naming Sinuses. Ang laman po niyan ay hangin para magaan ang ating ulo, at diyan ginagawa ang ating sipon. Umiikot po ang sipon sa loob ng ating sinus at lalabas sa ilong natin. Ngayon, kapag tayo po ay naexpose sa mga irritants katulad ng usok, pollens, o yung balahibo ng mga hayop, ito ay nakakatrigger ng isang infection na tinatawag naming rhinitis.

WHAT IS RHINITIS? WHAT ARE THE DIFFERENT TYPES OF RHINITIS AND ITS COMMON CAUSES?

Dra. Almelor-Alzaga: Ang rhinitis po, may dalawang klase iyan, yung non-allergic at allergic na rhinitis. Ang non-allergic rhinitis, ang pinaka-karaniwan niya ay yung common cold; viral siya. May sipon, barado ang ilong, hindi maka amoy. Maaaring magkaroon ng sinat o low-grade fever nga po, or masakit ang katawan. Maaari rin po, katulad ng sinabi ninyo, nakalanghap kayo ng mga usok katulad nung kahit sa pollution lang po.

Connie: Trigger din iyan?

Dra. Almelor-Alzaga: Yes po, makakatrigger ng rhinitis iyan. Pwede rin pong magkaroon ng bacterial na rhinitis. Iyon po yung maaaring maging dilaw na ang sipon kumpara sa viral. Ang nasa kabila naman po ay yung allergic rhinitis – ito yung karaniwang nakikita sa mga taong may hika, may ibang klaseng allergies, or kung sa pamilya po ay mayroon silang may hika, kasi namamana ang allergic rhinitis.

Connie: Ah, namamana? Naku, napamana ko ata sa anak ko.

Dra. Almelor-Alzaga: Unfortunately po, ito ay panghabang-buhay na nasa inyo. Pero po minsan ang katawan, magaling iyan, nagagawa niyang maovercome at malampasan itong allergic rhinitis. Sa ibang tao, nawawala po ito, yung ibang tao naman, tulad ko, hanggang ngayon ay mayroon pa rin akong allergic rhinitis.

Connie: Oo, pero pansin ko, dahil ako mayroon din akong allergic rhinitis eh. Pero kapag talagang nagkakaroon ho ng change in weather.

Dra. Almelor-Alzaga: Ah yes po, may seasonal kasi na allergic rhinitis na dahil sa pabago-bago ng panahon. Mayroon din po yung allergic rhinitis na dahil sa yung laway kasi ng hayop na nilick sa fur, iyon nakakacause ng allergy. O yung mga malakas na pabango. Usok, iyon po.

Connie: Minsan walang dahidahilan eh bigla akong lumuluha eh.

Dra. Almelor-Alzaga: Iyon po, kumpara sa viral na rhinitis, sa allergic rhinitis, matubig po yung sipon ninyo, naghahatsing kayo lalo na sa umaga, at yung mata ninyo ay makati at nagluluha kayo.

Connie: Pero iyan ho ay isa lamang sa mga sakit sa ilong. Iba yung nararanasan din kasi tulo nga ng tulo tapos para kang mayroon tumutulo din dito sa throat.

Dra. Almelor-Alzaga: Opo, ang tawag namin dun ay post nasal drip. Kasi ang lalamunan po at ilong, konektado iyan sa likod. Kung barado sa harap, minsan nangyayari, umaabot na ang sipon hanggang sa likod, tumutulo na sa lalamunan, at kapag napabayaan, iyon yung mamaya magkakaroon na kayo ng sore throat at ubo. Nagiging spectrum na siya.

WHAT IS SINUSITIS AND NASAL POLYPS?

Connie: Okay. Pero mayroon ding nasal polyps. Ano naman iyon?

Dra. Almelor-Alzaga: Ang nasal polyps naman po, ito ay karaniwang nakikita kapag paulit-ulit kang nagkakaroon ng rhinitis. Mas common po siyang nakikita sa mga taong may allergic rhinitis. Ito po ay namamagang tissue ng ating ilong. Ang itsura po niya, kung naiimagine ninyo, parang grapes na binalatan. Ganoon po ang hitsura niya. So ito po ay namamagang tissue na kapag napabayaan, lumalaki ito hanggang sa maaari na niyang mabarahan ang labasan ng sinus natin, at doon ka magkakaroon ng sinusitis.

Connie: Ayun, speaking of sinusitis. Pwede ba iyon na mayroon kang allergic rhinitis, mayroon ka ding sinusitis?

Dra. Almelor-Alzaga: Pwede po iyon. Ang sinusitis kasi ay infection ng sinus. Kapag hindi makalabas yung sipon dahil may nakabara, naiipon po yung sipon, natutubuan ng bacteria, nagkakaroon ka tuloy ng sinusitis.

Connie: Parang mayroong isang parte ng ulo ba na parang hindi makalabas yung hangin na parang mayroong bara?

Dra. Almelor-Alzaga: Opo, ang kinocomplain ng mga pasyente namin, parang mabigat. Mabigat dito (sa may parte ng noo na nasa pagitan ng kilay, or dito sa may pisngi na katabi ng ilong). Nandito po kasi ang main sinuses natin. At saka dito sa both sides ng ilong natin. Kapag nagsabi ang pasyente na parang mabigat dito, minsan masakit, iyon po ay isang senyales na baka naiipon na ang sipon at nagsa-sinusitis na kayo.

WHAT CAN CAUSE ALLERGIC RHINITIS? HOW CAN WE PREVENT ALLERGIC RHINITIS FROM STARTING?

Connie: Sa pilipino ba, madalas tayong magkaroon ng mga ganyang sakit?

Dra. Almelor-Alzaga: Madalas po. Una, kasi hindi malinis ang ating hangin, pollution po. Number 2, laganap ang pag sigarilyo. Number 3, minsan iyon nga, hindi nila alam na may allergic rhinitis sila, tapos sila pala ay allergic sa mga pets nila. Or yung hindi nalilinis yung mga curtains po, kahit yung aircon, hindi nalilinis. Iyon po lahat ay maaaring mag trigger ng allergic rhinitis.

Connie: At least dun man lang sa bahay natin, ano? Kasi wala tayong control sa pollution sa labas eh.

Dra. Almelor-Alzaga: Opo, unfortunately.

Connie: Yung atin, yung mga kurtina, carpet.

Dra. Almelor-Alzaga: Opo, iyan po, carpet. Sofa po ninyo. Kasi yung dust po, isa pa yung maaaring mag cause ng allergic rhinitis.

Connie: Even unan diba?

Dra. Almelor-Alzaga: Yes po, basta nag-aaccumulate ng dust, pwede po iyon.

Connie: Yikes talaga. Parang gusto ko nang umuwi’t maglinis. Pero yung ganitong klase ho ng mga allergy, yung mga triggers, sabi nga seasonal yung iba. Pero mayroon din ba na nagiging sanhi, bukod pa dun sa mga nabanggit natin na all year round, na hindi lang siya seasonal?

Dra. Almelor-Alzaga: Pwede po. Yung iba, tulad ng nasabi ko po, sa allergic rhinitis, kailangan ninyo kasing malaman ano ang trigger ng inyong allergy. Halimbawa, sa akin po, nalaman ko na ang malalakas na amoy, tulad ng pabango, ay nakakasimula ng allergic rhinitis ko. Iniiwasan ko po iyon.

Connie: Pero kasi minsan yung iba kung mag pabango sa paligid, wagas. Let’s be sensitive pala dahil hindi natin sure kung yung mga nasa paligid natin ay may allergic rhinitis. Sa inyo, pabango. Sa akin I think yung sa lamig ng aircon.

Dra. Almelor-Alzaga: Ah opo. Pwede rin iyon, yung changes in temperature nga po. Kailangan lang nating mag adapt dun sa mga nagtitrigger. Pero minsan po yung mga talagang grabe na, nirerefer naming sa ibang doctor pagkatapos naggagawa sila ng immunotherapy. Nagiinject po sila ng ibang allergens na nagtitrigger nung allergy mo para madesensitize ka to that allergen.

Connie: Mayroon na ngayong immunotherapy?

Dra. Almelor-Alzaga: Opo, pero medyo advanced na siya, para sa mga talagang grabe na ang kanilang allergy.

Connie: Yung hindi na talaga makuha sa gamot. Pero yung mga gamot ba na iniinom for allergy, halimbawa may mga allergic rhinitis, yung mga bahing ng bahing ho diyan, yung sinisipon continuously. Yung mga iniinom naming gamot kapag ganitong panahon, limited lang yung time na pwede mong inumin or as needed lang?

Dra. Almelor-Alzaga: Usually, kapag nagstart na po yung allergy ninyo, nagrelease na ang katawan ninyo ng tinatawag naming histamine. Iyon po ang nagtitrigger ng allergy. Ang isang way is aantayin nalang ng katawan na mawala yun. Pero maaari pong mag-take ng gamot. Usually ang binibigay namin, mga 7-14 days po, para ma-overcome nung body yung narelease na po na histamine. Pero ako po, ayoko din namang nakadepende yung pasyente ko sa gamot. Binibigyan ko sila ng mga pang linis sa ilong, mga spray po na maaari na iyon na lang ang maintenance nila kaysa sa inom sila ng inom ng gamot. Ang tawag namin dun nasal douche or mga nasal spray.

Connie: Yung ganyan na sinasabi natin na naipapasa ito, namamana. Wala bang way kung halimbawa mayroon na ako, kunwari bago mag buntis, paano ba hindi natin mapasa? Pwede bang ganun?

Dra. Almelor-Alzaga: Well, nasa genes na po kasi. Kung both parents po ay may allergy, most likely mayroon ang bata.

Connie: Pero kahit isa lang ano pwede pa rin mapasa?

Dra. Almelor-Alzaga: Kahit isa lang po, may percentage, hindi na ako sure sa exact number. Pero kahit isang parent lang po ang may allergy, may chance na mamana.

Connie: Mayroon bang mga pagkain, may mga natural ways or means para magawa natin na para at least man lang maibsan yung mga ganitong allergy.

Dra. Almelor-Alzaga: Sa food po, wala akong so far na alam. Kung mag take man kayo ng mga herbal, basta yung natural po na herbal. Huwag kayo mag take ng mga nasa capsule po. Yung mga leaves talaga, pwede po yun. Pero kasi ang problem ay nasa ilong, ang marerecommend ko talaga yung mga pang linis ng ilong.

Connie: Pero hindi naman delikado yun dahil kasi sabi nga nila ang ilong may koneksyon din sa ating brain. Mayroon ba talaga?

Dra. Almelor-Alzaga: Wala pong koneksyon ang ilong sa brain natin dahil may buto po na naghihiwalay sa ilong at sa brain natin. Ang chance lang na kung may aabot sa ilong papunta sa brain ay kung may butas o may crack. Kunwari naaksidente kayo before o kung may bukol man. Pero sa normal na tao, wala po yan koneksyon.

Connie: Okay, good. At least yung mga ibang may ganyang haka-haka kasi diba? Pero matagal niyo na din yan naririnig yan for sure. Mga kadalasang tanong ba iyan sa inyo ng mga pasyente niyo?

Dra. Almelor-Alzaga: Opo, marami mga ganyan. Sinasabi lang namin na huwag kayong mag alala, wala pong koneksyon, hindi aabot kung ano man ang inispray ninyo papunta sa utak.

Connie: Pero minsan kapag nagnasal spray, sa experience ko, minsan may masakit eh. Mayroon din masakit na parang hindi siya masakit na mahapdi, ung parang irritating lang din. May mga iba pa bang alternative bukod dun sa nasal spray? May mga procedure ba halimbawa na pwedeng gawin?

Dra. Almelor-Alzaga: Well, kung mayroon silang sinusitis, paulit-ulit na rhinitis at hindi na siya kaya ng gamot, talagang masakit na dito sa may pisngi, sa may forehead, ang susunod na diyan ay pinapa CT scan namin. Para makita ung loob na istruktura na hindi namin kita sa normal namin na pagsilip, kung baka may iba nang nangyayari doon. At from there, saka po kami nagdedecide kung kailangan ba ng operasyon, lalo na kung may polyp. Sinusubukan muna namin ng gamot, pero kung malaki na siya, surgery na po talaga ang nangyayari.

WHAT ARE THE EFFECTS OF RECURRENT RHINITIS AND CHRONIC RHINOSINUSITIS? WHEN DO YOU NEED TO CONSULT AN ENT DOCTOR?

Connie: Pero sa nose diba mayroon parang kapag matagal ka nang may rhinitis, parang nagdedevelop din yung sa loob na mga parang, ano nga ba tawag mo dun? Muscle ba o parang cartilage na parang it closes daw yung ilong mo, yun sa breathing mo, mahirapan ka naman.

Dra. Almelor-Alzaga: Ang isang nangyayari po kapag paulit-ulit na namamaga yung labasan ng sipon, dapat malaki yun, ang nangyayari nagsasarado siya. Yun po ang isang dahilan kung bakit din naiipon yung sipon (sa loob ng sinuses). Pero kung yung sinasabi niyo, kung may tumutubong bukol, yun po ang nasal polyp (at puwede niyang mabarahan ang daanan ng ilong at labasan ng sinuses).

Connie: Polyp pa din yun?

Dra. Almelor-Alzaga: Opo, polyp pa din. Pero of course, kung parang barado ang feeling ninyo, maganda ipasilip ninyo. Kasi baka hindi lang polyp yan, baka mamaya yung ayaw po natin, baka may ibang bukol na tumutubo.

Connie: Cancerous?

Dra. Almelor-Alzaga: Opo, cancer. Kasi ang pinakaunang sintomas minsan ng cancer is barado lang ang ilong ninyo, sinisipon, o may konting pagdudugo po. Maganda po kapag ganun, ipacheck niyo nalang din.

Connie: At saka madami ngayon diba, parang mga cases din minsan, mga bata. Di kasi makapagsabi, di nila alam papaano yung pakiramdam dapat, diba? Yung tamang paghinga. Kasi syempre, sino ba namang makakapagturo sa atin kung ano yung normal na breathing diba? Yung experience lang natin yung ating mapagbabasihan. Pero para lang dun sa not so familiar, papaano mo malalaman kapag kunwari ikaw ay mayroon ng problema sa parte ng ilong? Halimbawa, mayroon kang polyps?

Dra. Almelor-Alzaga: Una, kung ikaw ay may sipon at hindi siya nawawala, maaaring mawawala nang ilang araw pero babalik din kaagad. Pangalawa, kung ang sipon mo madalas ay kulay dilaw na o green, senyales po iyon na baka may sinusitis na kayo. Number 3, hindi ka na po makaamoy, o nabawasan ang pang-amoy ninyo, iyon ay isang senyales na baka may nagbabara na talaga. Number 4, kung may nagdudugo po sa ilong.

WHAT IS EPISTAXIS? WHAT ARE THE COMMON CAUSES OF EPISTAXIS? WHAT IS THE FIRST AID FOR EPISTAXIS?

Connie: Eh iyon bang parating dugo ng dugo, anong tawag mo ba dun?

Dra. Almelor-Alzaga: Epistaxis ang medical term, ang alam ng mga tao is balinguyngoy po. Ang Epistaxis o balinguyngoy, kapag sa bata po, ito ay madalas dahil sa paulit-ulit na pag sipon. Kapag nasa age na siya ng puberty, mga 10-19 years old, tapos lalaki po, may isang sakit na tinatawag na Nasopharyngeal angiofibroma. Ito ay bukol po, hindi siya cancer, pero bukol po siya na nagdurugo at common sa mga lalaking nasa ganitong age group.

Connie: Bakit lalaki?

Dra. Almelor-Alzaga: Dahil itong bukol pong ito ay very sensitive sa testostayroone. At this age, ang testostayroone po ay sobrang mataas, very sensitive yung bukol, doon siya
nagdurugo at lumalaki.

Connie: Pero may mga ibang cases din, Dra., lalo na ngayong palamig ang panahon, na nagdadry tapos parang nagkakaroon din sila ng nose bleeding?

Dra. Almelor-Alzaga: Yes po, pwede yun dahil nanunuyot at natutuyo yung balat sa loob at nagiging mas exposed yung mga vessels. Pwedeng yun ang cause ng bleeding lalo na kung nagkakalikot po ng ilong. Sa matatanda po, isang karaniwang dahilan ng pagdugo ng ilong ay kung mataas ang presyon o high blood.

Connie: Kapag ba dumugo yung ilong, kunwari high blood ka, malala na iyon?

Dra. Almelor-Alzaga: Yung high blood po ninyo? Maaari po. Kasi po ang nagawa niya, napalaki niya sobra yung vessel to the point na pumutok siya.

Connie: Kapag ganyan dapat emergency room na?

Dra. Almelor-Alzaga: May first aid na pwedeng gawin. Una, pisilin po ang ilong. Hindi yung simpleng pagpisil, talagang mahigpit po sa may mismong ilong. Tapos tuloy tuloy po yun at least 15 minutes, hindi yung pindot, then release. Dapat po dirediretso mga 15 minutes, dito sa may butas ng ilong, sa side po niya. And then, pwede po tayong maglagay ng yelo dito sa may forehead. At yung mga ice chips na maliliit, gawin po nating parang candy, idikit sa ngala-ngala. Kasi dun po nanggagaling yung ugat na nagsusupply ng dugo sa ilong.

Connie: Pero bukod diyan, Dra., yung mga pagdurugo na ito, how do you know kung ito ay hindi na case lang na simple?

Dra. Almelor-Alzaga: Ah kung baka po cancer, ano? Ang problema sa ilong po, ito ay napakalaking parte ng ulo, na kapag lumaki na yung bukol, before you know it, advanced na siya. Kung nagdudugo ang ilong ninyo kahit pakonti-konti lang, kailangan ninyo ipacheck iyon, pati kung paulit-ulit ang sipon ninyo at hindi na kayo makaamoy. O kunwari po yung cancer ay tumubo sa pinakalikod ng ilong natin, Nasopharyngeal Carcinoma ang tawag namin, nasa likod na parte iyon ng ilong. Kapag kunwari ang tainga ninyo sa isang side lang po ang palaging may infection, kailangan niyo ipacheck-up; minsan yun ang pinakaunang senyales na mayroon kayong cancer dun sa likod ng ilong.

WHAT ARE THE SYMPTOMS OF A FOREIGN BODY IN THE NOSE, ESPECIALLY IN CHILDREN?

Connie: Ayun, kasi magkakonektado nga yung ilong natin at ang ating ears. Dra., lahat ng ito, of course, kapag mayroon nang existing na sakit. Pero yung halimbawa mga aksidente? Diba minsan may mga bata kinakalikot yung ilong at kung anu-ano ang nilalagay, diba? Kasi pinag-uusapan na din naman natin yung tungkol sa ilong. Idiscuss na din natin para yun sa mga magulang. Ano yung first aid ba dapat kunwari minsan nagdugo. Diba nagdudugo, akala natin balinguyngoy, yun pala mayroon na palang object sa loob ng ilong?

Dra. Almelor-Alzaga: Ang unang unang nagiging sintomas kapag may nilagay yung bata sa ilong ay nagsisipon siya nang mabahong mabaho at sa isang side lang po. Kasi kapag sa normal na sipon, kailangan pareho pong side. Pero kapag kunwari isang side lang po at mabaho siya, madalas may nilagay ang bata sa ilong. Kapag nagdugo siya, mas advanced na yun. O namamaga na yung ilong, ibig sabihin nag-iimpeksyon na, matagal nang nakalagay yung kung ano man po yung bagay na yun sa ilong. Pero yung pinakauna, yung mabahung-mabahong sipon tapos isang side lang po.

Connie: Ayun ang mga senyales, ano? Kasi ang dami nang cases na ganyan. Sa case niyo marami nagpapatingin?

Dra. Almelor-Alzaga: Ay naku, maraming-marami, kung anu-ano na po. Yung isa po styrofoam, minsan peanut.

Connie: Peanut?

Dra. Almelor-Alzaga: Opo, minsan beads. Beads po ang napakahirap na tanggalin dahil smooth siya. Ang delikado po kasi diyan dahil nasa ilong, kapag suminghot sila ay maaaring mapunta sa baga. At kapag pumunta sa baga, iyan po ay operasyon na under general anesthesia.

Connie: Pero yung iba mayroon daw mga naglalagay na parang kinusot na mga papel, may mga experience ka na ganun?

Dra. Almelor-Alzaga: Ay mayroon po. Kung anu-ano po.

Connie: Pero kapag ganun hindi pa naman malala iyon, kaya pa naman tanggalin? Huwag lang tanggalin na sila mismo, kaya ba?

Dra. Almelor-Alzaga: Huwag na po. Kasi baka matulak pa po nila palikod. Kasi kami po, mayroon kaming mga instrumento talaga na para pangtanggal nun.

Connie: Yung mga simpleng akala natin na balinguynguy diba, ayun pala mayroon na. Basta sa isang side lang na mabaho at nagdudugo?

Dra. Almelor-Alzaga: Yes po.

ALL ABOUT THE EARS – NORMAL ANATOMY OF THE EARS.

Connie: Okay, punta naman tayo muna sa tainga, sa ears. May mga sakit din tayo, ang normal na naririnig natin diba yung luga or ear discharge.

Dra. Almelor-Alzaga: Mabilis lang ito tulad sa ilong, discuss ko lang ang normal na parte ng tainga. Ang tainga po natin ay nahahati sa 3 istruktura. Mayroon po tayong Outer, Middle, and Inner Ear. Ang Outer Ear po ay mula dito sa labas ng tainga natin. Papasok po ay may tubo po tayo, ang tawag namin dun ay Ear Canal na papunta sa ear drum. Ang Ear Drum po natin, yung tunog, sinasagap nitong labas ng tainga, papasok sa tubo papunta sa ear drum natin. Ang Middle Ear naman ay nasa likod ng ear drum at ang importante doon ay yung tinatawag naming Eustachian Tube. Ito ay isang tubo na nagkokonekta sa tainga at sa ilong. Nandoon din po yung mga buto na gumagalaw kapag tayo ay nakakarinig, itong Ossicles ang tawag namin. At yung pangatlong parte ng tainga ay yung Inner Ear. Ito po yung nasa pinakaloob na. Nandiyan ang istruktura tulad ng mga ugat, mga para sa balanse, at sa pandinig. Ang pasyente po namin sa clinic kadalasan, ang kinocomplain nila ay sakit sa tainga o ear pain, puno ang tainga o ear fullness, ear discharge o luga po, and then yung last ay yung hindi makarinig.

WHAT ARE THE COMMON CAUSES OF EAR DISCHARGE? WHAT IS EAR WAX? WHAT IS THE PROPER WAY OF CLEANING THE EARS?

Connie: Paano ba nagkakaroon ng luga? Pasintabi po ha baka may mga nag-aalmusal.

Dra. Almelor-Alzaga: Ayun po, itong mga sintomas na ito, maaari kasing isa lang ang icomplain. Maaaring lahat yan nasa pasyente, maaaring nauna yung isa, at sumunod yung iba. Ang luga or ear discharge, o lahat ng sintomas na sinabi ko, may tatlong common na rason po. Ang pinaka una po ay yung benign lang, ito yung may tutuli o impacted cerumen (mga namuong tutuli sa tainga). Kapag namuo siya doon sa ear canal natin, nababarahan niya ito, iyon yung hindi ka makarinig, maaaring sumakit din dahil na prepress yung skin po sa tainga.

Connie: Yung tutuli ba is, excuse me for my ignorance. Ito ho ay kailangan kong malaman din. Ang tutuli ba ay ear wax?

Dra. Almelor-Alzaga: Yes po.

Connie: Iyon yung hindi nalilinis? Namumuo ganun ba yun?

Dra. Almelor-Alzaga: Ang ear wax po ay normal na part ng ear natin. Very important po siya kasi siya ay parang moisturizer ng tainga at lumalaban sa impeksyon. Kapag masyado niyo nalilinis, yun actually ay mas cause na magkaroon ka nang impeksyon.

Connie: Saan nanggagaling ang tutuli? Ang tawag ko nung bata ako diyan ay tulili eh. Mali, tutuli pala.

Dra. Almelor-Alzaga: Galing po sa tainga mismo. Ang nangyayari po, kung mali ang paglinis natin, naiipon siya at natutulak ninyo paloob. Ang normal na paglinis kasi actually, hindi dapat araw-araw. Ako, once every 2 weeks lang po.

Connie: Once every 2 weeks?

Dra. Almelor-Alzaga: Ang cotton buds po, hindi namin masyadong advised. Every day, kung gusto ninyo, ang inaadvice ko sa pasyente ko, tissue paper na nirolyo ninyo nang kaunting patulis at iyon ang ipasok ninyo at iikut-ikot. Huwag na yung cotton buds kasi nadidiinan niya po masyado ang balat ng tainga, nanunuyot ang balat ng tainga, at pwede po siyang mag-infection na tinatawag namin na Swimmer’s Ear or Acute Otitis Externa. Externa, kasi sa labas po ng tainga ang impeksyon.

Connie: Napagusapan natin yung tungkol sa paglilinis nang tama. Kasi maraming nag-react nung sinabi niyo na every 2 weeks. Kailangan yun lang yun eh.

Dra. Almelor-Alzaga: Minsan every 3 weeks pa nga po eh.

Connie: Every 3 weeks? Pero ang dami kasi, including myself, guilty din ako diyan. Talagang linis ng tainga halos araw-araw.

Dra. Almelor-Alzaga: Ang pwede ninyong linisin nang araw-araw ay yung nasa labas. Pero yung nasa loob po ng tainga, yun yung huwag masyadong madalas. Kasi importante nga po yung ear wax. Huwag din po kayong gagamit ng, ito galit na galit ako sa ganyan, yung ear pick.

Connie: Ay yung parang bakal?

Dra. Almelor-Alzaga: Opo, huwag na huwag po. Ang dami naming pasyente na dumarating na may impeksyon dahil ganun ang ginamit nilang panglinis, kasi nasusugatan yung loob ng tainga.

Connie: May effect ba iyan sa pandinig kung halimbawa matanggal yung ear wax mo dahil sa sobrang linis naman?

Dra. Almelor-Alzaga: Yung pagtanggal ng ear wax mismo, wala naman po epekto sa pandinig. Pero minsan kasi, kung maliit ang ear canal ninyo, natutulak niyo lang yung ear wax papaloob, at dun magkakaroon ng tutuli na namuo at naiiwan. Hindi ka na po masyado makakarinig kasi matatakpan niya yung ear drum ninyo. Ang isang pwedeng mangyari, maaksidente. Hindi siya karaniwan pero pwedeng mangyari ay kung habang naglilinis, natamaan ka at nasagi, masundot mo yung ear drum mo at mabutas, iyon po ay mas grabeng kondisyon. Pero hindi siya karaniwan pero maaaring pong mangyari.

Connie: Ang tainga ba may koneksyon din sa brain?

Dra. Almelor-Alzaga: Mayroon po siyang koneksyon sa brain. Ito po ang mas may koneksyon pero nasa loob na loob na siya. Bago kayo makarating doon ay grabe na yung impeksyon. Pero may koneksyon po siya kumpara sa nose.

WHAT HAPPENS AFTER SUSTAINING TRAUMA TO THE EARS?

Connie: Ayun nga eh, kasi naririnig natin na minsan na may mga nagbugbugan, kahit yung binugbog halimbawa nabasag daw yung ear drum, pwede din yun?

Dra. Almelor-Alzaga: Yes, pwede po yun. Ang tainga po kasi ay pinapalibutan ng buto na tawag namin na Temporal Bone. Ang Temporal Bone, nandito po iyan sa likod ng tainga natin at konektado iyan sa buto na nagpapalibot sa ating brain. Kapag nabasag iyan o nafracture po, maaaring magkaroon ng linya at magkonek sa brain at maaaring tumulo yung tubig mula sa brain. CSF Leak ang tawag namin dun. Pwede po kasing umakyat ang impeksyon papunta doon.

Connie: Delikado siya, ano?

Dra. Almelor-Alzaga: Opo. At pwede rin po niyan, kung madaanan niya ang mga istraktura para sa pandinig, maaaring mabingi din kayo.

WHAT IS OTITIS MEDIA?

Connie: May mga sakit ba na nakakabingi? Bukod dun sa ayaw lang makinig at nagbibingi-bingihan?

Dra. Almelor-Alzaga: Opo. Ngayon, yung isang common din na dahilan para sa sintomas ng ear discharge at hearing loss ay yung Otitis Media. Kumpara dun sa isa na Otitis Externa na sa labas ng tainga, ang Otitis Media ay sa loob naman po, sa likod ng ear drum na iyan.

Connie: Impeksyon iyan?

Dra. Almelor-Alzaga: Impeksyon po ito. Yung tubo na nagkokonek sa ilong at tainga, yung Eustachian Tube, napakaimportante po niya kasi ang pressure sa loob ng tainga ay ini-equal niya sa pressure ng ilong. Kaya kung mapapansin ninyo, kapag nagkaroon kayo ng sipon, barado ang ilong, parang mamaya barado na rin po yung tainga. Dahil po hindi makabukas yung Eustachian Tube at hindi makaakyat ang hangin, kaya nag-iiba po yung pressure sa tainga. At kapag ito ay pinabayaan ninyo yung sipon, mawawala ang hangin sa tainga, mapapalitan ng tubig.

Connie: Okay. Yun yung karaniwan. Marami tayong naririnig na may otitis media sa mga bata.

Dra. Almelor-Alzaga: Opo, mas karaniwan sa bata ang otitis media. Kasi po yung Eustachian Tube, na sinasabi ko na koneksyon ng ilong at tainga, sa bata, ito ay mas pahiga at mas maiksi. At dahil mas pahiga po siya, mas maaaring umakyat doon ang sipon papunta sa tainga. Kaya ang lagi kong inaadvice sa mga parents po, kapag yung bata ay may sipon, mga dalawa na o tatlong araw, painumin niyo na ng gamot pampatuyo ng sipon. Kasi susunod na po ang tainga niyan.

Connie: Mayroon kasi tayong mga kababayan na nalaman ito ang magiging topic natin. Nagpa-advance na sila sa akin ng mga katanungan nila. Kasi yung anak daw niya, itong kakilala natin, parati siyang parang nagmemake ng sound dahil nangangati yung tainga ng anak niya, yung parang ganun. Parang kinakamot niya from sa loob using yung tongue, alam mo yun, parang lumulunok siya. Ano ba iyan?

Dra. Almelor-Alzaga: Baka allergy po ito. Because ang nerve po na nagsusupply ng pakiramdam sa tainga, yun din ang nerve na nagsusupply ng pakiramdam sa lalamunan. Kaya kung minsan mapapansin niyo, kapag naglinis kayo ng tainga, mauubo din kayo kasi pareho nga po yung ugat. Baka may allergy po siya at ito ay umaabot lang sa tainga.

WHAT IS HEARING LOSS AND ITS COMMON CAUSES?

Connie: Yung hearing loss, hearing impairement, kasi kung yung ating rhinitis ay namamana, yung pagkabingi ba mayroon din bang ganyan na naipapasa din?

Dra. Almelor-Alzaga: Maaari siyang mamana pero kadalasan makikita mo na iyan sa pagkabata palang. O kung may congenital na problema ang bata, may problema sa pagdevelop nung normal na istruktura ng tainga niya, pagkabata palang ay makikita na natin. Ngayon, kung sa Otitis Media naman po, mayroon kasing dalawang klase, yung Acute at Chronic. Acute po ay yung panandalian lang, ilang araw o linggo lang. Ang chronic, ito yung mga napabayaan na, buwan na o taon na ang inabot. At kapag pinabayaan ninyo at naging chronic po ito, maaari niyang mabutas ang ear drum ninyo.

Connie: Impeksyon sa loob ng tainga iyon?

Dra. Almelor-Alzaga: Impeksyon sa loob ng tainga na napabayaan at mabubutas ang ear drum. At kapag mas lalong pinabayaan, maaari siyang magkaroon ng tinatawag naming Cholesteatoma po. Ito ay impeksyon sa tainga na kumakain ng buto at pwede niyang kainin ang mga istruktura ng pandinig at balanse. At ang pinaka grabe ay aabot na sa utak po.

WHY IS THE EAR IMPORTANT IN MAINTAINING BALANCE?

Connie: Oo nga eh, kasi ang tainga diba, yan din ang ating balanse?

Dra. Almelor-Alzaga: Yes po, nandiyan sa loob ng tainga. Sa hilo na po ba ang usapan?

Connie: Opo, sa hilo. Yung pinag-uusapan natin yung balanse, diba? Papaano kapag halimbawa, mayroon kang impeksyon sa tainga, mawawala rin ang balanse mo? Automatic ba yun?

Dra. Almelor-Alzaga: Kapag yung impeksyon ninyo, yung Otitis Media na naging matagal na at pinabayaan ninyo, maaari niyang makain na yung istruktura sa balanse po. Andiyan po kasi ang tinatawag naming Semicircular Canal, parang mga canal siyang paikut-ikot. At yun po ay para sa balanse, na kapag matagal na ang impeksyon, pwede niyang makain yung canal na yun, at kapag nangyari iyon, mawawala ang balanse.

Connie: Pero reversible ba? I mean, may pwede bang gawin para maibalik yung kinain na canal?

Dra. Almelor-Alzaga: Kapag ganun na kagrabe po, inooperahan namin ang tainga.

Connie: At nababalik naman?

Dra. Almelor-Alzaga: Hindi po 100%. Depe-depende kada pasyente po yan. Minsan nagagawan ng katawan na maovercome, minsan po ay talagang mayroon siyang naiiwan na pagkahilo.

WHAT IS VERTIGO? WHAT IS THE MOST COMMON CAUSE OF VERTIGO AND HOW CAN IT BE TREATED?

Connie: Dahil napaguusapan yung balanse, diba? Karaniwan na naririnig natin yung sakit na vertigo. Yun naman parang umiikot ang kanilang mundo, diba? Tapos parang mayroon silang sinasabi na nawawala yung balanse. Is that even connected din sa pandinig?

Dra. Almelor-Alzaga: Ang vertigo po, ang tamang description niya ay pag-ikot ng paligid, ng paningin. Kapag ganun ang kinocomplain ng pasyente, maraming pwedeng dahilan. Ang pinakacommon po, hindi yung infection kundi yung tinatawag naming Benign Paroxysmal Positional Vertigo. Very common po lalo na sa nagkakaedad na. Sa loob po kasi ng tainga natin, mayroon tayong mga parang “crystal” (medical term ay Otoliths). Magkakadikit po yun at kapag gumalaw ang tainga natin, sabay-sabay silang gumagalaw. Ngayon, habang tumatanda, may mga humihiwalay at bumabagsak po sa sahig ng tainga. At kapag gumalaw ang ulo ninyo, yung nasa taas ay gagalaw sa isang direksyon, yung nasa baba, sa kabilang direksyon. Nacoconfuse yung brain at nahihilo po tuloy tayo. Pero yun po ay madali lang itreat. May mga maneuver kaming ginagawa para yung nahiwalay na crystal ay mailalabas namin.

Connie: Sa ENT Doctor din un?

Dra. Almelor-Alzaga: ENT rin po yun.

Connie: Kaya nga ako nagtanong tungkol sa vertigo kasi diba, syempre iniisip nila sa mata o sa brain, ano? Pero may nakapagsabi sakin na normally, sa tainga, mayroon lang ginagawa daw? Tama ba?

Dra. Almelor-Alzaga: Ang vertigo kasi medyo general po iyan na complaint talaga. Ang tatlong doctor na tumitingin kapag may vertigo ay una, ENT, kasi baka sa tainga po. Pangalawa, ophthalmologist din, kasi baka sa mata po, baka kailangan lang nila ng salamin. And pangatlo is neurologist, kasi baka sa brain. Usually, chinecheck ng bawat doctor at kung walang problema, nirerefer naming dun sa susunod na doctor.

Connie: Kapag sa tainga lang, ibig sabihin mas treatable ba iyan?

Dra. Almelor-Alzaga: Depende sa dahilan po ng hilo. Yung sinabi ko kanina, yung Benign Paroxysmal Positional Vertigo, yun ay may ginagawa kaming maneuver. And then with that maneuver, 90% agad is macucure na po.

Connie: Anong maneuver? Can you expound, please?

Dra. Almelor-Alzaga: Dix-Hallpike maneuver yung pagdiagnose, at kapag nakita naming yun nga ang sakit mo, dumidiretso na kami sa Epley’s maneuver. Epley’s po yung pang cure. Binabago lang po namin ang anggulo ng ulo para yung nahiwalay na crystal ay lalabas doon sa semicircular canal.

WHAT IS CONGENITAL HEARING LOSS? WHAT IS NOISE-INDUCED HEARING LOSS? WHAT IS PRESBYCUSIS?

Connie: Ang galing. Pero ginagawa yan ng mga eksperto ha. Baka mamaya mag eksperimento tayo.Yun pinag-uusapan na rin natin yung pagkabingi. Pagusapan natin yung kabataan, diba? May mga learning disability minsan na akala nila tinatamad lang o hindi makaintindi, yun pala mayroong hearing problem. Para sa magulang na nanonood sa atin, ano ba ang tamang edad at papaano natin malalaman kung may problema na ang ating anak?

Dra. Almelor-Alzaga: Actually ma’am, mula pagkababy palang, mayroon tayong newborn hearing screening. Required na po iyan sa lahat ng bata. At dun palang po ay may ginagawa kaming hearing test para makita kung may problema ang bata. Napakaimportante nito, yung iba kasi hindi nila pinapagawa po yun eh.

Connie: Yun yung newborn screening?

Dra. Almelor-Alzaga: Yun po. Nandun yung hearing test. Kasi para bata palang, alam natin kung may problema at maagapan natin. Importante kasi bago magsalita ang pasyente, kung may problema sa tainga ay maagapan na po natin. Otherwise, yung pagsalita niya ay maapektuhan na po. Sa mga teenagers naman, isingit ko lang. Kasi mahilig sila ngayong magheadphones, yung ang lakas-lakas. Pwede kayo magkaroon ng tinatawag namin na Noise-Induced Hearing Loss. Humihina ang pandinig dahil sobra ang tagal ninyong naka-expose sa malakas na tunog.

Connie: Ayun nga, tatanungin ko talaga yan eh. Kasi sinimulan mo na ako sa bata at pang teenager na ito. Yung mga gadgets ba, marami sila ngayon diba yung mga headphones na parang 24 hours na yata. Earphones na nakakabit. Anong effect nun? Bukod sa sinasabi mo na hearing loss, mayroon pa ba?

Dra. Almelor-Alzaga: Well, one po is kung laging nakatakip ang tainga hindi po nakakapasok ang hangin at na-veventilate yung loob nung tubo, pwede magcause ng infection po. Mga fungal infection, maaaring mangyari po sa tainga. Tapos nga yung hearing loss. Mainly, yun naman po yung dalawang problem na pwedeng mangyari. Pero hindi lang po sa gumagamit ng headphones lagi. Sa trabaho po, yung mga workers natin na hindi nagsusuot ng protective na gear or yung mga nasa club na laging exposed sa loud sounds.

Connie: Napagusapan natin mula bata, may teenager, sa trabaho may effect din po ang malakas na sound sa tainga. Pero naturally daw na talagang humihina ang ating pandinig kapag tayo ay tumatanda?

Dra. Almelor-Alzaga: Tama po iyan, ang tawag namin diyan ay Presbycusis. Talagang kahit pagtanda natin, lahat po, para tayong machine na eventually nasisira din. Isa po dun ang pandinig. Mayroon po talagang, as you age, humihina na ang pandinig mo. Ang problem diyan, kung ikaw ay bata palang, hindi mo inalagaan ang pandinig mo, mahina na agad pagkabata. Pagdating mo nung age na humihina na pandinig mo, doble ang bagsak ng pandinig po ninyo.

Connie: Pero may mga hearing aids naman ngayon na makakatulong.

Dra. Almelor-Alzaga: May hearing aids po. Nagpapahearing test kami syempre muna, at dun sa hearing center, dun nila chinecheck kung aling tainga ang mas magreresponse sa hearing aid.

WHAT IS GOITER?

Connie: Eto naman puntahan natin ang ating lalamunan o throat. You mentioned awhile ago na marami kang trineatreat na goiter?

Dra. Almelor-Alzaga: Kung start po tayo sa Goiter, o Bosyo ang karaniwang alam ng mga tao. Ang Thyroid Gland, lahat tayo mayroon niyan. Sa normal na tao, hindi natin makakapa ito. Subukan niyong kapain mula dito sa may parang Adam’s Apple, matigas po iyan, kapain ninyo hanggang sa baba, hanggang dito sa may parang may notch o may curve po, iyan ang lokasyon ng ating thyroid. Tapos lumunok po kayo. Kapag may nakakapa kayong gumagalaw, yun po ang thyroid ninyo, at dapat hindi mo ito nakakapa dahil maliit lang po siya. Ang thyroid gland po is very important sa katawan. Ang hormones niya ay importante para sa metabolism, sa puso po, sa buong katawan natin.

WHAT IS HYPOTHYROIDISM AND HYPERTHYROIDISM?

Connie: May koneksyon din siya sa hypo and hyperthyroidism?

Dra. Almelor-Alzaga: Yes po. Kapag lumaki na ang thyroid ninyo, ang tatlong karaniwang dahilan kaya siya lumalaki ay una, yung sinabi ninyo na Hyperthyroidism. Mataas masyado ang ginagawang hormones, o parang nasosobrahan ng trabaho ang thyroid. Yun po nakikita ninyong ang papayat kahit kain ng kain, irregular ang tibok ng puso, kumakabog ang dibdib. O yung kapag sa babae, yung regla niya dumadalas, dumadami, o lumalakas po. On the other end ng spectrum po, yung Hypothyroidism, mababa naman masyado ang hormones. Pero lumalaki pa din po ang thyroid nun. Yun naman pong sinabi niyo na parang laging sluggish, pagod, tinatamad. Numinipis ang buhok, ang balat. Humihina ang regla, o yung tumataba kahit hindi naman halos kumakain. At yung pangatlong dahilan kung bakit lumalaki po ang thyroid o Goiter, ang tawag namin, ay kung may bukol na tumutubo sa loob. Pwedeng benign, pwedeng cancer. Kapag sa lalaki tumubo, most likely ito po ay cancer.

WHAT IS HOARSENESS? WHAT ARE ITS COMMON CAUSES?

Connie: Dra., ito nabanggit natin yung sa throat naman, ano? Kaming mga madadaldal, at trabaho namin ito. Everyday, talagang salita ng salita, wala halos pahinga, diba? May nadedevelop kami na mga hoarseness, yung parang nawawalan pa ng boses o nagkakaroon ng paos. Kapag ganoon ba ang mga cases, ano ang pwedeng gawin?

Dra. Almelor-Alzaga: Ang pamamaos ay kahit anong pagbabago sa kalidad ng boses po ninyo, at maaaring maraming dahilan. Yung Vocal Cords po natin, ito ay nandito sa may Voice Box, yung pinakapa ko sa inyo kaninang adam’s apple, sa likod po nun, nandun na mismo yung vocal cords natin. Ngayon, siya po ay dapat manipis. Anything na nagdudulot na siya ay kumapal, ay magdudulot ng pamamaos. Ang pinaka common is Laryngitis po. Yun ay infection, pamamaga ng Voice Box na maaaring pwedeng dulot ng viral infection, pwedeng bacteria. O pwede yung Acid Reflux, yung acid po mula sa tiyan, umaakyat papunta sa lalamunan. O pwede rin po ang pamamaos ay dahil sa Vocal Abuse. Karaniwan ito sa mga talkshow host, singers, callcenter agents, mga masyadong nagagamit ang boses at hindi ito napapahinga. Pwede kayong magkaroon ng Vocal Cord Nodule. Para po siyang kalyo, pero nandun sa vocal cords niyo dahil sobrang nga pong nagagamit.

Connie: Kapag may ganoon, parang paos na forever ang boses?

Dra. Almelor-Alzaga: Depende po sa extensiveness niya. Kung sa simula pa lamang, maliit palang, binibigyan muna namin ng medical na treatment (gamot). Pero kung hindi siya gumaling sa gamot, surgery din po yun, tinatanggal yun.

Connie: Pero hindi naman delikado yung surgery na baka mamaya paggising, wala ng boses? Ano pa naman, puhunan ng mga tao yung boses syempre, diba?

Dra. Almelor-Alzaga: Opo, nirerefer nalang namin sa specialist, kasi ang ENT po general, may mga sub-specialty pa iyan. May ibang ENT na nagspecialize pa po sa pag-opera ng mga ganyang vocal cord nodule. Ang tawag namin diyan ay Laryngologist, nirerefer namin at sila ang nag-oopera. Pero nandun po yung risk syempre na magkaroon ng peklat at maaaring ang boses ay mag-iba.

Connie: Not necessarily na mawala naman?

Dra. Almelor-Alzaga: Opo, hindi naman.

WHAT ARE TONSILS?

Connie: Pero yung tonsilitis, iyan din, isa pa yan na parati nating naririnig. Yun ba ay konektado din ba sa sipon?

Dra. Almelor-Alzaga: Ang tonsils po natin, mas mataas yun. Pag binuksan niyo yung bibig niyo, sa likod ng dila, sa side po parang may dalawang bilog, yun ang tonsils ninyo. Ngayon, ang tonsils po, importante yan kapag bata kasi tumutulong siya sa pag laban ng mga impeksyon.

Connie: Hindi totoo na ang tonsils ay walang ginagawang parte?

Dra. Almelor-Alzaga: Hindi po iyon totoo. Mayroon po pag sa bata. Pero kapag tumanda na kayo, hindi mo na siya actually kailangan.

Connie: Pwede nang itonsillectomy?

Dra. Almelor-Alzaga: Pwede po, pero syempre hindi kami kaliwa’t kanan nagtotonsillectomy. Kapag may indikasyon lang po. Pero yung iba, natatakot sila na kapag tinanggal, hindi daw ba maapektuhan ang katawan nila. Pag tanda ninyo hindi niyo na po kailangan ng tonsils kasi magaling na ang katawan ninyo sa paglaban ng impeksyon.

Connie: Ang tonsillectomy, yung tinatanggal ho yung tonsils, diba?

Dra. Almelor-Alzaga: Opo.

DOK, TOTOO BA?

Connie: Dok, totoo ba? Kapag parati kang paos, apektado ang puso mo at pwede kang magkaroon ng heart problem?

Dra. Almelor-Alzaga: Hindi po, unless kasi yung ugat na nagpapagalaw sa boses ay malapit sa puso. At kung may tumutubong bukol dun at napepress ang ugat na yun, pwede kayong mamaos.

Connie: Dok, totoo ba? Kung paos dapat bumulong para hindi ho daw mastrain ang lalamunan?

Dra. Almelor-Alzaga: Hindi po totoo. Dapat po kahit paos ka, normal na level ng pagsalita. Ang pag bulong ay mas lalong nakakasama po. Mas lalong kumakaskas po ang gawaan ng boses, mas lalong mamamaos po kayo. Normal po na level lang, modulated.

Connie: Dok, totoo ba? Kapag aksidenteng napasukan ng tubig ang isa mong tainga, patakan mo daw ng tubig pa lalo ang taingang apektado at bigla mong ibend yung ulo mo para lumabas yung tubig.

Dra. Almelor-Alzaga: Parang nakakahilo po yun, ano?

Connie: Pero ang alam mo dok, ginagawa ko po yun. Tama ba yun, mali?

Dra. Almelor-Alzaga: Well, wala naman po siyang masamang effect, nakakahilo lang. Pero ang pwedeng gawin nalang is yung tissue paper, i-roll niyo po, ilagay sa loob ng tainga at ikiling po ang ulo at igalawgalaw ang tissue paper. That’s enough na po para matanggal.

Connie: Dok, totoo ba? Na okay maglinis ng tainga araw-araw gamit itong cotton buds?

Dra. Almelor-Alzaga: Maling-mali po.

Connie: Dok, totoo ba? Ang pagmumog ng asin at maligamgam na tubig ay mabisang first aid sa mga kumakating lalamunan?

Dra. Almelor-Alzaga: Well, wala naman pong masamang gawin po yun. Pero actually, yung temperatura ng tubig, wala po siyang epekto sa lalamunan. Kahit lagyan ng asin, okay lang naman po yun. Pero kung kayo ay nagsisimula nang sumakit ang lalamunan, gumamit kayo ng mga gargle na may anti-bacterial or anti-viral po. Or magpacheck-up po kayo kung tumatagal na siya.

Connie: Dok, totoo ba? Ang matangos na ilong ay mas sensitive sa pang-amoy?

Dra. Almelor-Alzaga: Ay, hindi naman po. Ang istraktura po sa pang-amoy, nandito iyan sa pinakataas po, lahat yan ay pare-pareho naman whether matangos ang ilong mo, pango, pare-pareho lang naman po.

Connie: Dok, totoo ba? Kapag may nosebleeding dapat tumingala? Nasagot mo na din yan, ano?

Dra. Almelor-Alzaga: Hindi ko actually na-mention, dapat po nakayuko. Kapag tumingala po kasi, maaari niyong malunok yung dugo. At hindi niyo alam kung gaano karami na ba yung lumalabas. Nakayuko po at pisil. Tapos yung mga sinabi natin kanina.

FINAL COMMENTS

Connie: Alright, inyo nalang parting words para ho doon sa ating lahat na mga nakikinig. Para mapangalagaan nila, nating lahat yung atin pong Ears, Nose and Throat.

Dra. Almelor-Alzaga: Sa mga kababayan po natin, basta pag kayo ay may kakaibang nararamdaman, either panghihina ng pandinig, may lumalabas sa tainga. O yung sipon ng sipon, hindi nakakaamoy. O yung sa lalamunan, namamaos. Pumunta po agad kayo sa amin, mga ENT. Kami naman po ay nandito para kayo ay tulungan at pagalingin. Yung iba kasi natatakot kapag pumunta dahil may nasasabi kaming bagong sakit. Pero mas maganda po di ba na malaman natin agad at maagapan? Kaysa yung dumating kayo sa amin at masyado nang grabe ang inyong sakit.

Request an Appointment at ENT Manila

Book Appointment