Voice is produced when air coming from our lungs passes through our trachea (airway) and pushes against our vocal cords, causing them to vibrate against one another to produce sound, which is then articulated into words with our tongue. Anything that may decrease the flow of air from the lungs to the vocal cords, or anything that may disrupt or hinder the normal vibration of the vocal cords, can cause what we call “hoarseness”.

Woman with a pain in her throat on white background

©clevelandclinic.org

Hoarseness is therefore any change in the quality of one’s normal speaking voice. Poor lung function may be a cause of hoarseness because the air that reaches the vocal cords is not strong enough to produce the usual vibration. Swelling or masses in the vocal cords, or in any area of our voice box, may also cause hoarseness. Some factors make other people prone to develop hoarseness:

  1. Those whose occupation entails constant talking such as teachers, sales representatives, call center agents, and singers;
  2. People who experience persistent or recurrent acid reflux; and
  3. Smokers. But even a simple viral or bacterial infection can cause hoarseness.

How would you know when to seek consult, and to what type of doctor should you go to? The answer to these questions, and more, is discussed in this article and video. It focuses on hoarseness, its causes, risk factors, simple remedies that you can do at home, and when and where to seek consult.

Request an Appointment at ENT Manila

Book Appointment

Doctor’s Orders DWWW 774

Episode: June 29, 2019

Topic: Hoarseness (Pamamaos)

with Nurse Nathalie David, Dr. Jennifer Angela Almelor-Alzaga (ENT – Head & Neck) & Dr. Daryl Del Mundo (ENT – Laryngologist)

Doctor’s Orders DWWW 774

Episode: June 29, 2019

Topic: Hoarseness (Pamamaos)

with Nurse Nathalie David, Dr. Jennifer Angela Almelor-Alzaga (ENT – Head & Neck) & Dr. Daryl Del Mundo (ENT – Laryngologist)

Contents

Video Transcription

WHERE IS VOICE PRODUCED? WHAT IS HOARSENESS?

larynx-anatomy

Source: https://www.backstage.com/magazine/article/great-trick-help-sing-high-notes-5337/

Nurse Nathalie: Itong lalamunan po pala natin, if not used in the proper way, can cause hoarseness or pamamalat. Doctora, paano po ba nangyayari ito?

Dr. Del Mundo: Tulad ng nasabi po ninyo, ang pag-abuso sa boses ay maaaring magdulot ng pamamaos or hoarseness. Bago yun ay pagusapan po muna natin ano ang boses at paano ito nalilikha or nagagawa ng katawan. Ang boses po natin ay ginagawa ng tinatawag nating Voice Box. Ito po ay parte ng tinatawag nating larynx na in layman’s terms ay ang lalamunan. Tatlong components po ang very important sa paggawa ng boses – una po diyan ang tamang paghinga or breathing; number two po ay ang resonance o ang paggawa ng boses mula sa Voice Box mula sa lalamunan papunta at palabas sa bibig; at pangatlo dun, ang pinakaimportante, ay ang vibration mismo ng vocal cords na nasa loob ng Voice Box na tinatawag nating phonation. Anumang bagay na maaaring makaapekto sa kanila ay maaaring makadulot ng hoarseness or pamamaos.

Nurse Nathalie: Para rin palang musical instrument ang voice box. So this is part of the body that when not properly used can cause damage – puwedeng magasgas o masugat.

Dr. Almelor-Alzaga: Para lang po alam ng mga kababayan natin, ang ating voice box o larynx ay nandito sa may harapan ne leeg, makakapa ninyo po iyan. Mas kapa po siya sa mga lalaki, sa may Adam’s apple, iyon po ay isang parte ng voice box. Sa likod po ng Adam’s apple nandoon po ang tinatawag naming vocal cords – iyon po ang naggagawa ng boses; nagdidikit po iyon. Ang pamamaos maraming dahilan kung bakit nangyayari. Tulad ng sinabi ni Dr. Del Mundo, halimbawa kapag may problema sa baga, mahina ang paggawa ng hangin, puwedeng humina ang boses. Or kung namamaga ang vocal cords nagbabago rin ang boses. Or kung may tumutubong mga bukol dun. Kahit nga ang reflux or acid na umaakyat dun.

WHAT ARE THE COMMON CAUSES OF HOARSENESS?

Nurse Nathalie: Kadalasan naman dito ay kusang gumagaling ang condition. Ngunit mas importante at nakabubuti na alam mo kung ano nga ang mga dapat gawin once ikaw ay namaos. Kapag ganito na nagsisimula na, masakit na ang lalamunan ko, baka bukas paos na ako…what are the remedies that a person should do? Most especially iyong mga gamit ang boses sa trabaho.

Dr. Del Mundo: Gusto po natin ay i-classify kung ano ang naging sanhi ng pagkapaos. Ang remedy sa pagkapaos ay nakadirekta sa kung ano ang naging sanhi. Marami po ang maaaring maging dahilan o sanhi pero ang pinakakaraniwang dahilan ng pagkapaos ay Laryngitis o ang pamamaga ng vocal cords na karaniwan po ay dahil sa Acute Viral Infection. Maliban doon mapagsasama-sama natin ang iba’t ibang dahilan ng pagkapaos sa vocal irritants tulad ng reflux. Kasama na rin po diyan ang smoking. At number three po ang vocal abuse – sa mga propesyon na madalas gamitin ang boses, maaari rin po makaapekto sa kalidad ng boses at maging sanhi ng pagkapaos. Number four po, ang mga bukol. Maaaring benign na bukol, o ang mas kinatatakutan natin, ang laryngeal cancer. Ang remedy po natin ay nakadirekta sa kung ano ang nalaman na cause. Kaya very important po na malaman muna natin kung ano ang dahilan. Kaya very important kapag may pagkapaos ay magpatingin sa doctor.

Dr. Almelor-Alzaga: Kapag nagsisimula na ang sipon, pagkatapos may ubo, pagkatapos mamaya ay paos na, obserbahan ninyo. Minsan ay natural na umaabot sa pamamaos. Pero kung ang pamamaos ninyo ay hindi nawawala, halimbawa magdalawang linggo na ay paos ka pa rin, mainam ay ipasilip na ninyo kasi maaaring may iba nang nangyayari sa inyong voice box.

WHEN YOU HAVE HOARSENESS, SHOULD YOU WHISPER INSTEAD OF SPEAKING NORMALLY?

Nurse Nathalie: Ang pagkapaos pala ay maaaring sintomas of something else in your throat. Kaya iyan po ang ating dapat mapansin at bigyan ng pansin. Gaano ba kaimportante alagaan ang ating mga lalamunan. Ano ba mga doctors ang mga bagay na dapat iwasan kapag nawalan ka ng boses?

Dr. Del Mundo: Very important na kahit tayo ay paos, wala ang ating boses, o may bago sa kalidad ng ating boses, ay gagamitin natin ito sa tamang paraan. Ibig sabihin, kapag tayo ay paos, talikuran natin ang paniniwala na tayo ay dapat bumulong. Anything na nagdudulot ng greater effort sa pagproduce ng boses, kasama dun ang pagbulong, ay maaaring makapagpalala ng hoarseness. Kapag paos ka ay kailangan magsalita ka sa normal na lakas ng boses mo. Kasi kapag ikaw ay bumulong, ito ay nagdudulot ng greater effort sa paglikha ng boses at mas matindi ang effect nito sa pagdidikit o pagsasara ng vocal cords at maaaring makapagpalubha sa pamamaos.

Nurse Nathalie: Magandang paalala po iyan. Mas strenuous o napipinsala pala ang vocal cords kapag bumubulong.

Dr. Almelor-Alzaga: Mas nagkakaskas kasi together ang vocal cords. Akala po nila ay kapag mahina, maigi, pero actually ay mas nahihirapan ang gawaan ng boses.

Nurse Nathalie: Mas tatagal gumaling ang pagkapaos… So kung gagamit tayo ng normal na boses, no matter how straining sa lalamunan, mas okay gamitin?

Dr. Almelor-Alzaga: Yes, normal speaking voice po ninyo. Siyempre, ang pinakamaganda ay ipapahinga ninyo – iyong voice rest na sinasabi namin. Pero mahirap gawin po iyon. So kung kinakailangan po talaga magsalita, magsalita sa normal na level ng ating boses.

Nurse Nathalie: So bawal ang bumulong. Anything else po?

Dr. Almelor-Alzaga: Napag-usapan din natin ang steam inhalation, minsan nakakatulong iyon. Kasi kung tuyot ang ating lalamunan, iyon po ang pakiramdam ng ibang tao na parang may nakabara o plema na madikit. Kapag kayo ay nag-inhale nung steam, gagawin ng warm air ay palalambutin ang plema na nandoon, palalabnawin, para mas hindi tuyo ang ating voice box.

WHY SHOULD YOU STOP SMOKING AND DRINKING ALCOHOLIC BEVERAGE DRINKS?

man smoking

Source: https://www.bbc.com/news/health-47028072

Nurse Nathalie: Kumbaga ay malangisan, para hindi rin siya mas magasgas. Para doon sa mga sige lang ng sige sa paninigarilyo, okay lang ba?

Dr. Del Mundo: Alam na po natin ang sagot diyan. Dahil kami ay ENT Specialists, advocates kami ng hindi paninigarilyo. Ang greater problem natin sa sigarilyo, hindi lamang siya nakakadulot ng hoarseness, hindi lang siya irritant na maaaring magdulot ng changes sa voice quality, kundi very important din siyang risk factor o isa sa mga dahilan kung bakit puwede tayong magkaron ng kinatatakutan nating laryngeal cancer.

Dr. Almelor-Alzaga: Ang sigarilyo kasi hindi lang siya risk factor ng cancer sa voice box, kundi pati sa bibig, sa dila, gilagid, pisngi, hanggang sa lalamunan. Actually ako po ay advocate, though wala pang studies na lumalabas, na ang vaping din, hindi iyan magandang alternatibo sa paninigarilyo kasi mayroon pa rin iyang chemical na laman. Tingin ko sa mga susunod na taon, lalabas ang mga studies na ang vaping ay risk factor din for cancer.

Nurse Nathalie: Ganito rin naman nagsimula ang sigarilyo before – we thought it was just for social status. But later on nakita na maraming negatibo….actually walang positive effect ang paninigarilyo. What about alak doc? Ang iba sinasabi nila, kapag nakainom ako ng isang bote, maganda ang timbre ng aking pagkanta ng “My Way”. Is this even advisable?

Dr. Del Mundo: Smoking in itself ay risk factor. Halimbawa sabihin natin ang smoking ay makakadulot ng times one na risk ng pagkakaroon ng laryngeal cancer, kapag dinagdagan mo ng alak, nagiging times four siya. Ibig sabihin ay may multiplicative effect ang pagiging risk factor kapag combined ang smoking and alcohol. Madalas kasi sa mga social gatherings, doon tayo madalas manigarilyo, hindi natin maiiwasan na may alak din diyan. Ang mga mahihilig manigarilyo kasabay ng alak, mas mataas ang risk nila na magkaroon ng hindi lamang cancer ng lalamunan, kundi cancer din sa ibang parte ng ating katawan.

Dr. Almelor-Alzaga: Mayroon kaming tinatawag na synergistic effect – yun ay kapag pinagsama mo nga ang alak at sigarilyo, lalo niyang dinodoble doble ang risk sa cancer mula sa bibig hanggang sa lalamunan.

DO LOZENGES & DRINKING WARM TEA HELP RELIEVE HOARSENESS?

Nurse Nathalie: Ang pag-inom ng gamot dok, nung mga lozenges, or anything na dadaan sa ating throat…does it even help? Or should we avoid it?

Dr. Almelor-Alzaga: Yung mga salabat, ang ginagawa nito ay para hindi malapot ang plema, pero ang tingin naming na mas makakatulong ay yung steam inhalation.

Nurse Nathalie: What about yung paggamit ng candy, yung may medyo maanghang, kasi paos, mahapdi, masakit? Does it even work?

Dr. Del Mundo: Yung mga ganitong lozenges and candy, include na rin natin ang mga salabat at hot tea na puwedeng magkaroon ng soothing effect sa voice, mayroon siyang epekto dahil ang primary mechanism niya ay binabawasan niya ang pakiramdam ng pagkatuyo’t ng boses. Sa boses natin napakaimportante na continuously lubricated siya, may mga secretions diyan. Although wala silang approved therapeutic claims, ang epekto nilang pagpalabnaw sa secretions, nakakatulong ito para maramdaman na medyo naibsan ang pagkapaos. Pero hindi po siya remedy, hindi siya gamot. Kung nagkakaroon tayo ng pagkapaos na matagal na, mas maganda na imbestigahan natin kung ano ang sanhi nito kaysa uminom lang ng mga candy o tea.

Dr. Almelor-Alzaga: Kung nanunuyot, uminom ng tamang amount ng tubig. Para hindi kayo dehydrated. Hindi counted ang juice, yung tubig talaga.

CAN YOU DRINK COLD WATER WHEN YOU HAVE HOARSENESS?

Nurse Nathalie: May nagtanong na rin about softdrinks..kasi mas malamig, mas relaxing sa kanya. Okay lang daw ba ang cold beverages?

Dr. Del Mundo: Ang temperature ng inumin, in itself, ay hindi magdudulot ng paggaling o pagkaroon ng hoarseness. Pinakakaraniwan na natatanong sa amin kapag may pagkapaos ay – dok, puwede ba akong uminom ng malamig na tubig? Actually hindi siya bawal dahil wala siyang kinalaman. Pero advise namin na puwedeng uminom ng maligamgam o warm water dahil nakakalabnaw siya ng secretions, so nakakatulong siya. Pero hindi po bawal uminom ng malamig na tubig.

IS IT ADVISABLE TO EAT SUGARY FOOD OR DRINKS WHEN YOU HAVE HOARSENESS?

Nurse Nathalie: Yung sugar can cause phlegm or secretions?

Dr. Almelor-Alzaga: Yes, sugar can cause sore throat. Huwag na po ang softdrinks kasi maasukal pa yan. Ang matatamis kasi ay nababago ang acidity…ang pH ng ating bibig. Kaya sinasabi nung iba parang mas sumasakit ang lalamunan kapag madalas nagmamatamis dahil mas tumutubo ang mga bacteria na nandoon na sa lalamunan.

CAN HOARSENESS TAKE A LONG TIME TO RECOVER?

Nurse Nathalie: May question po dito, everytime na inubo ako at sinisipon, namamaos ako at ang tagal bago gumaling. Kahit umiiwas na akong umubo at uminom ng malamig, at gumagamit ako ng gargle ng maligamgam na tubig with asin.

Dr. Almelor-Alzaga: Minsan nangyayari po talaga yung progression na magsisimula sa sipon, pagkatapos may konting ubo, at dahil sa pag-uubo at pamamaga rin dahil sa infection, yung laryngitis, ay sumusunod ang pamamaos. Normal na hindi pa mawala ang pamamaos kahit wala nang ubo dahil namamaga pa ang gawaan ng boses. Basta nakikita ninyong may improvement sa boses, okay iyan. Pero kung mga dalawa o tatlong linggo na at paos pa rin kayo, mainam ipatingin niyo na.

SHOULD YOU AVOID COUGHING TO PREVENT HOARSENESS?

Nurse Nathalie: Minsan hindi mo maiiwasan ang pag-ubo..mayroon po bang “tamang” pag-ubo? Is it even right to cough it out? Ano po ba ang technique para hindi mapinsala ang voice box?

Dr. Del Mundo: Ang pag-ubo ay reflex – ibig sabihin hindi talaga natin mapipigilan. Umuubo tayo dahil may dahilan para umubo. It’s protective – kapag nasamid, umuubo tayo para hindi mapunta kung anuman yung hindi dapat mapunta sa ating baga. Same kapag mayroon kayong viral infection or acute infection sa upper respiratory tract – umuubo tayo dahil mayroon tayong kailangan ilabas. Kaya hindi namin advise ang mga antitussives…ang mga gamot na pinipigil ang pag-ubo tulad ng cough syrup. Walang tamang pag-ubo dahil hindi mo ito mapipigilan.

Dr. Almelor-Alzaga: May something na nasa baga ninyo na gusto niyang ilabas dahil naiirita ang baga ninyo – virus man o bacteria. Ang plema idudura dapat. Para makatulong, mag-steam inhalation, pagkatapos ay tinatapik ang likod para ang mga plema na madikitdikit, matatanggal at mas madaling mailalabas.

Nurse Nathalie: Okay lang pala mag-“ehem-ehem”. Talagang it takes caution lang, wag puwersado. May tanong po ulet – napapaos po ako, ramdam ko na may nakabarang plema na hindi makalabas sa aking lalamunan. Ano ang aking dapat gawin? Paano ito ma-expel nang hindi nasisira lalo ang boses ko?

Dr. Almelor-Alzaga: Tulad ng nasabi namin kanina, make sure na kayo ay sapat sa tubig para hindi kayo dehydrated at hindi malapot ang plema. Pangalawa, maaaring mag-steam inhalation para lumabnaw ang iyong plema. Pagkatapos mag-steam inhalation, sa likod tinatapik namin mula sa taas pababa hanggang sa gitna ng likod. Ang kamay hindi diretso kundi medyo curved. Mula sa taas pababa, sa kanan, tapos sa kabila.

WHEN DO YOU NEED TO CONSULT AN ENT DOCTOR?

laryngoscopy

Source: https://entokey.com/laryngoscopy/

Nurse Nathalie: When is the time na parang hindi na normal ang pagkapaos ko at ang tagal na…kalian ba ako dapat mabahala? At ano ang first step kong gagawin – sa ENT na ba ako agad magpapakonsulta?

Dr. Del Mundo: Ang pagkapaos maaaring as early as 2 days after mo maranasan ay maibsan na ito o bumalik na sa normal ang boses – yun ang usual kapag sa acute laryngitis or acute viral infection lang. Mayroon din na acute viral infection na maaaring tumagal ang pamamaos as long as 2 weeks. Kaya advise namin sa pasyente ay huwag mabahala kapag masyado nang matagal na hindi bumabalik ang boses dahil maaari talagang mangyari ito. Pero kapag ang pagkapaos ay tumagal ng more than 2-3 weeks, ito ay signal na dapat nang magpakonsulta. Mas mainam pumunta sa espesiyalista ng lalamunan – so sa Ear, Nose, Throat Specialist tulad namin dahil kami ang may instrument para silipin ang lalamunan. Sa mga pagkakataon na tayo ay may gusting tignan na maaaring naging sanhi ng pagkapaos, kailangan ay “direct visualization” at ang makakagawa nito ay isang espesiyalista.

Nurse Nathalie: Sa madalas na pagkapaos na inaabot na kadalasan ng 1 buwan, dapat na bang magpakonsulta? Ano ba ang itinatawag na “pasilip ng lalamunan”?

Dr. Almelor-Alzaga: Kapag ganyan na nag-iisang buwan na ang pagkapaos, maganda pumunta kayo sa ENT upang masilip ang inyong lalamunan. Ginagamitan namin ng isang instrumento na ang tawag namin ay “scope” – siya po ay may malakas na ilaw sa isang dulo at camera na mas pinapalapit ang itsura ng voice box para mas maigi namin makita. Ganyang mga isang buwan nang pamamaos, maraming dahilan, puwedeng yung tinatawag namin na vocal cord nodule – para siyang kalyo na kapag hindi ka maigi mag-alaga ng boses. Or yung minsan ay cyst naman – para siyang balloon na ang laman ay tubig na doon tumubo sa gawaan ng boses. Maaaring namamaga lang. O ang pinakaayaw natin ay kung may masamang bukol, yung cancer.

WHAT IS LARYNGEAL CANCER? WHAT ARE THE RISK FACTORS & USUAL SYMPTOMS OF LARYNGEAL CANCER?

Nurse Nathalie: Pagdating sa bukol sa gawaan ng boses, maaari na ba itong agad maramdaman? O hirap sa paglunok?

Dr. Del Mundo: Kung mayroon talagang bukol sa lalamunan, hindi tayo talagang makakasisiguro hangga’t hindi nakikita ng espesiyalista. Maaari na kapag maliit pa lang ang bukol ay wala pa tayong maramdaman. Kaya napakaimportanteng isipin natin ang profile natin bilang isang tao – kung ano ang ating trabaho at hilig gawin sa buhay. Halimbawa, kayo ay nagtatrabaho bilang isang guro o tulad ninyo na laging ginagamit ang boses, ang mga voice professionals natin, kapag ganyan ang trabaho ninyo at nakaramdaman kayo ng pamamaos, mas mababa ang ating threshold natin kung kalian tayo dapat magpatingin dahil alam natin mayroon tayong tuloy-tuloy na vocal use na maaaring makadulot ng changes dito. Kapag kayo ay lalaki na nasa edad na 50-70 na high risk for laryngeal cancer dahil naninigarilyo, at nakaramdam kayo ng pamamaos, very important ang early detection. Kahit kayo ay mayroon nang laryngeal cancer or may changes na, mabuti kapag maaga natin nakita na mayroon nang pagbabago sa lalamunan. Ang pagtigil ng sigarilyo ay maaari niyang maibalik sa zero ang changes sa lalamunan in 6 months time.

Dr. Almelor-Alzaga: Ang voice box natin ay may tatlong location, depende kung saan tumubo ang bukol kung ano ang unang sintomas na mararamdaman ninyo. Kung doon siya sa mas mababang parte, ang tinatawag namin na subglottic area, dahil ito ay sa matigas na parte ng voice box, ang unang nararamdaman ng pasyente ay ang hirap sa paghinga, hindi pamamaos. Kung doon naman siya tumubo sa area kung nasaan ang vocal cords, ang gawaan ng boses, pamamaos ang unang nagiging sintomas. At pinakahuli ay sa taas na parte, malapit sa dila, ang tinatawag namin na supraglottic dahil nasa taas na siya ng gawaan ng boses. Ang unang nararamdaman naman ay hirap sa paglunok. Pero kapag doon na tumutubo sa supraglottic, advanced na dahil malaki ang area na yun. Lumalabas minsan may bukol na sa leeg at hirap lumunok, pagsilip namin ay malaki na ang bukol. Ang pinakauna o maaga namin nakikita ay kapag doon sa gawaan ng boses tumubo dahil paos agad, nagpapatingin agad ang pasyente.

IS VAPING A RECOMMENDED ALTERNATIVE TO SMOKING?

Nurse Nathalie: May tanong dito, ang anak ko ay palaging sumasakit ang lalamunan. Siya ay gumagamit ng vape. Gumagamit siya ng mumog ng hexetidine, puwede ba iyon?

Dr. Del Mundo: Ang vaping ay hindi approved na nicotine replacement therapy. Simula nang lumabas ang vaping o e-cigarette, ay tumaas ang frequency ng paggamit ng vape dahil akala nila na ito ay good alternative to smoking but gumagamit pa rin ito ng liquid na may nicotine. Wala siya ng ibang toxic chemicals ng cigarettes pero wala pang sapat na mga pag-aaral para patunayan na ito ay safer kumpara sa tobacco. Dito sa Pilipinas, gumagawa na ng mga pag-aaral ang gobyerno at Department of Health para maregulate ang paggamit ng vape. Ang pananakit ng kanyang lalamunan ay maaaring dahil diyan sa changes na nadudulot ng e-cigarette o vape. Kahit magmumog siya pero continuous siyang gumagamit ng e-cigarette o vaping ay hindi mabibigyan ng lunas ang posibleng dahilan ng irritation sa kanyang lalamunan.

FINAL COMMENTS

Nurse Nathalie: Ano po ang inyong mga final na payo?

Dr. Del Mundo: Kung nakakaramdam kayo ng pagkapaos at tingin niyo ay kailangan ninyo magpakonsulta, huwag kayong matatakot na pumunta sa doctor. Karaniwan na problema ng mga Pilipino ay natatakot sila magkaroon ng diagnosis o malaman kung ano ang problem. Pero lalo na sa lalamunan, lalo na kung ito ay laryngeal cancer, very important po ang early detection. The more na patagalin, the more na maaaring lumala ang problema sa boses o ang pagkapaos. Better seek consult early.

Dr. Almelor-Alzaga: Kami na mga doctor ninyo ay nandito para kayo ay pagalingin hangga’t sa aming makakaya. Madalas ang pasyente natatakot pumunta, dahil akala nila simpleng ubo lang, pagkatapos kapag nasilip namin ay andami na namin nasasabi. Doon sila natatakot. Pero isipin ninyo mas maganda na maaga ninyong malaman kung meron man problema. Mas maagang malaman, mas maagang maaagapan, mas maganda ang chance na mabigyan namin kayo ng cure sa kung anuman ang inyong nararamdaman.

Nurse Nathalie: Thank you so much!

Request an Appointment at ENT Manila

Book Appointment