Our ears are important parts of the body whose two main functions are hearing and balance. It helps us hear sounds, locate where the sound is coming from (i.e. localization), as well as coordinating our head and eye movements to help us maintain our balance. A problem in any of the different structures of the ear may result in either one or a combination of findings (i.e. signs and symptoms) – such as ear pain, ear discharge, decreased hearing, dizziness, and such.

The signs and symptoms one experiences will depend on which part of the ear is affected. There are three main parts of the ear – the Outer Ear, Middle Ear, and Inner ear.

Parts of the Ear

Image Source: https://www.aboutkidshealth.ca/

The OUTER EAR starts from the external ear (i.e. ear lobe and auricle) into the external auditory canal (i.e. the tube connecting to the eardrum) and ends at the tympanic membrane (i.e. eardrum). Problems in this area range from infection of the skin of the ear canal, to ear wax build-up blocking the ear canal, to perforations of the eardrum. These may cause ear pain, decreased hearing, or ear discharge.

The MIDDLE EAR starts from behind the eardrum and stops just before the cochlea. This area includes the ossicles, which are tiny connected bones attached to the eardrum that transmit the vibrations from the eardrum to the cochlea (i.e. the organ that plays a key role in hearing and changes sound waves into electrical pulses to be transmitted to the brain via nerves).

The INNER EAR includes the cochlea, parts of the facial nerve (i.e. the nerve that moves the muscles of the face whenever we smile and frown), and the semicircular canals (i.e. the organ that helps us maintain our balance).

Acute Otitis Externa

Source: https://www.dealmoon.com

When ear infection occurs in the Middle and Inner Ear, which may range from an acute to a chronic one, it may present with different signs and symptoms depending on the severity and duration of the infection. The infection may present with ear pain, ear discharge, decreased hearing, to the more serious ones that include dizziness (i.e. vertigo), paralysis of the muscles of the face, severe headache, abscess formation in the brain or behind the ear, among others.

Taking good care of our ears and its related structures is paramount to preventing ear infections and keeping our hearing intact. Read on to know more about our ears, its structures, conditions that may affect them, and tips on how to better care for them.

Request an Appointment at ENT Manila

Book Appointment

Doctor’s Orders DWWW 774

Episode: August 10, 2019

Topic: Ear Infections (Impeksyon sa Tenga)

with Dr. Jaime Galvez Tan and Nurse Nathalie David, Dr. Alexander Dy (ENT- NeuroOtologist) & Dr. Jennifer Almelor-Alzaga (ENT – Head and Neck, Microvascular Free Flap Surgeon)

Doctor’s Orders DWWW 774

Episode: August 10, 2019

Topic: Ear Infections (Impeksyon sa Tenga)

with Dr. Jaime Galvez Tan and Nurse Nathalie David, Dr. Alexander Dy (ENT- NeuroOtologist) & Dr. Jennifer Almelor-Alzaga (ENT – Head and Neck, Microvascular Free Flap Surgeon)

Contents

Video Transcription

What are the parts of the ear?

Acute Otitis Externa Table

Image Sources: https://www.chegg.com/; https://alyssahmoblog.blogspot.com; http://citeseerx.ist.psu.edu/

Nurse Nathalie David: Napaka-common ang sakit sa tainga sa mga kabataan. Malalaman natin kung bakit nga ba at anu-ano ba iyong mga sakit sa tainga na dapat nating malaman at kailan dapat magpakonsulta sa mga eksperto o espesyalista na tumitingin at sumisilip sa inyong tainga. Kasama natin ngayon ay isang ENT Neuro-Otologist – ito iyong mga ENT na espesyalista pa lalo sa pagtining sa inyong mga tainga. Ang ear infection ay most common in kids. Ito na iyong dinadala sa hospital, masakit ang tainga, may lumalabas, at ito nga iyong lagi nating pangamba dahil masakit ang kanilang common concern. Dok, you can do a short introduction tungkol sa ating topic for today.

Dr. Alex Dy: Ang pag-usapan natin ngayong umaga ay ang impeksyon sa tainga. Ang tainga natin ay tatlong bahagi at madali lang tandaan. Mayroon outer ear, ito iyong parteng nakikita at nahahawakan natin, sumunod ay ang middle ear at ang ipinakaloob at pinakamalapit sa utak ay ang inner ear. Kapag sinilip natin mula sa labas ang butas ng tainga, ang nakikita po natin ang iyong outer ear. Sa dulo po nito ay iyong eardrum. Kapag ang pinaguusapan natin ay impeksyon sa tainga, usually mas mababaw ay mas maganda, at kapag mas malalim ay mas mahirap gamutin at mas maraming puwedeng idulot na komplikasyon. Pinakasimple ay kapag ang impeksyon ay sa labas lang ng eardrum, ito ay tinatawag natin na otitis externa. Usually nakukuha ito sa madalas na pagkalikot ng tainga. Halimbawa, ang madalas na paglinis ng tainga gamit ang cotton buds at iba pang maliit na bagay na panungkit ng tutuli. Okay lang kapag labas lang ng parte ang nililinis pero kapag sinusuksok ang cotton buds o panungkit hanggang sa loob, minsan ay nasusugatan ang balat sa loob at doon nagsisimula ang impeksyon. Usually ang mararamdaman ng pasyente ay masakit, mapula, at maaring namamaga ang tainga. Madali lang naman ito gamutin. Kadalasan magrereseta lang ang doctor ng ear drops nang ilang araw at karamihan dito ay mawawala na. Kapag ang impeksyon naman ay nasa likod ng eardrum, tinatawag namin itong otitis media at iba naman ang karaniwang sanhi nito.

Are cotton buds recommended for ear cleaning?

Nurse Nathalie David: Simulan natin dun sa nabanggit niyo na outer ear. We commonly Dok clean our ears using cotton buds. Iyong iba nga sabi nila ito ang kanilang escape sa mundo pag naglilinis ng tainga. Iyong satisfying feeling. What is the right procedure, para lang malinawan din tayo once and for all, ng paglinis ng tainga gamit ang cotton buds?

No to Cotton Buds

Image Source: https://www.starkey.co.uk

Dr. Alex Dy: Sa totoo lang po ang ears natin ay self-cleaning siya. Kusa lang siya naglilinis ng sarili. Every time kumakagat tayo, lumulunok, iyong mekanismo sa loob ng tainga, yung tutuli sa loob lumalabas siya. Kusa siyang lumalabas, paunti-onti at dahan-dahan. In fact, ang pagtubo ng balat sa loob papalabas, so para siyang conveyor belt papalabas lahat ng dumi. Kahit hindi natin linisin normally mapapansin mo pag naglalakad ka minsan may nahuhulog na tutuli. Hindi naman strictly kailangang linisin. However, may mga population na at risk na magbabara ang tutuli sa loob ng tainga. Usually, iyong mga maliit yung butas or minsan pag magkaiba ang hugis ng tainga. Minsan parating nasa lugar na basa, parating nababasa ang loob or mas madalas nangyayari ito, nagbabara yung tainga ‘pag natutulak paloob.

Cotton Buds Pushes Ear Wax

Image Source: http://kejoraindonesia.com/

Dra. Jennifer Almelor-Alzaga: Ang daming pasyente na kapag tinatanong ko, “gaano kadalas kayo maglinis ng tainga?” ang sagot ay “Tatlong beses sa isang araw.” Bakit tatlong beses? Kasi makati raw. Kaya siya lalong kumakati ay dahil masiyado ninyong nalilinis. Kasi ang ear wax actually para siyang isipin ninyo lotion ng tainga so nagbibigay siya ng moisture. Pangalawa, sa impeksyon, ang ear wax din ay panglaban sa impeksyon. Pangatlo, panglaban din siya kung may insektong papasok. Ang sinasabi ko na lang sa mga pasyente ay kung hinahanap niyo yung parang nakakamot ang tainga, kumuha na lang kayo ng tissue paper (tulad ng kleenex) o toilet paper, irolyo ninyo tapos iyon ang ipasok ninyo sa tainga. So nandoon iyong feeling na nakakamot pero iyong diin niya sa balat na pag cotton buds ang gamit wala po iyon.

Nurse Nathalie David: Pag gagamit ng cotton buds ipapasok sa outer part lang dapat pala. Pag napupush ang dumi sa loob gamit nga ang cotton buds, dun na nagkakaroon ng impeksyon.

Dra. Jennifer Almelor-Alzaga: Ang iba kasi maliit ang ear canal, iyong butas paloob sa tainga. So kung ang cotton buds na gamit mo ay malaki, natulak mo lang lahat paloob ang ear wax. Ito ang tinatawag naming impacted cerumen – nagdikitdikit na, matigas, tapos masakit ang tainga. Pagsilip namin, ay punong puno na pala kasi.

Can you have an infection behind the eardrum (Otitis Media)?

Acute Otitis Media Diagram

Image Source: https://www.ausmed.com.au

Nurse Nathalie David: Pag sa likod ng eardrum, iyon pala yung otitis media. Kumbaga sa likod pala ng eardrum. Akala ko bago mag-eardrum. Dok, ano naman po ang sanhi nito?

Dr. Alex Dy: Kapag ang impeksyon ay sa likod ng eardrum ang tawag natin dito ay otitis media. Mayroon po kasing makipot na tubo na nagkokonekta ng gitnang bahagi ng tainga natin sa ating ilong. Kaya kung napapansin ninyo kapag sinisipon kayo, kung minsan pati tainga din parang barado. Dahil sa koneksyon na ito ang mga impeksyon galing sa ilong pwedeng tumuloy papunta sa loob ng tainga at maaring magkaroon ng sipon o nana sa loob ng tainga. Dahil may laman ang tainga maari pong may sakit or discomfort na nararamdaman at humihina din ang pandinig. Gaya ng ibang impeksyon, maari din magkaroon ng lagnat ang pasyente. Sabi ko po kanina, maaring magkaroon ng sipon at nana sa loob ng tainga. Kapag dumami ito wala nang ibang mapupuntahan, kaya nabubutas po ang ating eardrum at doon nagkakaroon ng luga. Kapag lumala pa ang impeksyon at hindi naagapan ang kinatatakutan natin ay kumalat ito paloob, palapit nang palapit sa utak. Maaaring kailanganin na ang operasyon para tanggalin ang nana dahil hindi na ito madaling abutin ng gamot at may posibilidad rin na may permanenteng epekto sa pandinig.

What are the possible complications of untreated ear infections (Chronic Otitis Media)?

Nurse Nathalie David: Bukod sa hearing loss, mababawasan ang inyong pandinig. E iyong kinatatakutan natin is iyong maipeksyon ang utak. Actually itong super love ko na yaya, that’s the reason of her passing. We just found that out. Matagal na rin siya sa amin at alam ko kasi iyong ginagawa niya, posporo ang gamit sa tainga. Lalagyan ng bulak at iyon ang kanyang pangkakamot. Actually, not really linis ang ginagawa niya. Talagang pinangkakamot niya and we we’re not surprised na ganun iyong nabalitaan namin may impeksyon siya sa tainga. But nasurprise kami na umabot sa utak. So ito iyong ating iniiwasan and proper teaching lang din on how to clean your ear and ang tamang medication and care pag tayo ay may ubo’t sipon.

Dra. Jennifer Almelor-Alzaga: Ang tainga kasi hindi alam ng mga karaniwang tao, ito ay hindi lamang para sa pandinig, ang tainga natin ay napakaimportante din para sa balanse, paggalaw ng mukha natin, iyong nerve na nagpapagalaw sa mukha, nandun din sa tainga natin. Kapag nag-impeksyon ang tainga at napabayaan ninyo, iyong mga ibang nangingiwi ang mukha, ibig sabihin grabe na ang impeksyon tulad ng sabi ni Dr. Dy. Isa iyon sa maaaring komplikasyon kung pinapabayaan ang impeksyon sa tainga. Tapos may buto na manipis sa pagitan ng tainga at utak na pag pinabayaan mong maimpeksyon yun ay nabubutas siya at puwedeng magkaroon ng parang pigsa sa utak.

Nurse Nathalie David: Mamaya paguusapan natin bukod sa masakit na tainga, may mga lumalabas sa tainga, para malaman, anu ano po ba ang mga sintomas ng ear infection? Ano ba ang dapat ninyong gawin? Paano ba ito magagamot? Pain is common in the ear at itong cerumen or wax na sinasabi is common na napoproduce. Dok, ano pa po ba ang ibang dahilan or ano ba iyong ibang sintomas para malaman natin na may impeksyon po sa tainga?

Brain Abcess

Image Sources: https://www.suratenthospital.com ; https://m.facebook.com/TheNewEnglandJournalofMedicine/

Dr. Alex Dy: Katulad ng sinabi ko kanina, iyong tainga natin divided siya into tatlong bahagi. Kung ang impeksyon ay nasa labas ang mga sinotmas diyan ay masakit, masakit pag ginagalaw, namumula, minsan napapansin niyo iyong butas ng tainga, dahil sa pamamaga, ay lumiliit siya. Habang pumapasok ang impeksyon dun nagkakaron ng mas grabe na sintomas. ‘Pag pumasok na siya sa middle ear, katulad ng sinabi ni Dr. Almelor kanina, ang nagkokontrol sa mukha nanduon sa loob ng middle ear, so kung grabe ang impeksyon posibleng mangiwi, magiging hindi pantay ang kaliwa at kanang bahagi ng mukha. ‘Pag pumasok pa siya lalo ulit posibleng pumunta sa utak. Doon nagkakaroon ng sintomas ng sobrang sakit ng ulo, minsan sumusuka, at may aspeto na posibleng mahilo.

Nurse Nathalie David: So iyon pala ang mga sintomas Dok. Kasi maaaring mapagkamalan itong vertigo so better ang ating advice talaga is ipasilip po ang inyong tainga. Dok, pag ganito po ba mayroong mga dapat na paghahanda ‘pag magpapacheck sa tainga. Kailangan bang linisin?

Dr. Alex Dy: Ang pinakaimportante sa aming mga doktor ay ang kuwento po kasi karamihan ng mga sakit sa kwento pa lang alam na namin at may iniisip na kami na sakit. Napakadaming mga sakit na parepareho ang sintomas. Nagbabago lang sila sa gaano katagal sumusumpong, kelan sumusumpong, anong kasama, kung mayroon bang lagnat, kelan nangyare ito. Importante po ihanda ang iyong kwento. Isang advice ko ay pag sa tingin ninyo may sakit kayo at hindi kayo makapagkonsulta agad, sulat niyo sa papel kung anong naramdaman ninyo. Minsan hindi tugma yung totoong nangyare sa naaalala niyo.

Dra. Jennifer Almelor-Alzaga: Ako po ang isa pang advice ko sa mga kababayan natin is iyong wag kayong magbibigay ng or magdedecide ng gamot. Kasi ang dami naming pasyente na darating sumakit ang tainga pagkatapos uminom siya ng gamot na binigay nung kapit bahay or iyong isa madalas na nangyayare pampatak. Ito ang dating binigay sa akin na pampatak or binigay dati sa kaibigan ko. Pero hindi kasi parepareho ang pampapatak. Iyong iba bawal sa may butas na ang tainga, kaya po mas maganda kung may nararamdaman, magpatingin nalang at kami ang magbibigay ng tamang gamot.

Dr. Alex Dy: Idadagdag ko lang po, may mga pampatak na delikado sa loob ng tainga so mali yung pag-iisip na isang gamot para sa lahat. Kailangan niyo po magpatingin bago magsimula ng gamot.

Acute Otitis Media

Image Sources: https://www.chegg.com/; https://alyssahmoblog.blogspot.com/; https://www.portalped.com.br/

Dra. Jennifer Almelor-Alzaga: May ibang pampatak kasi tulad ng sinabi ni Dok Dy, pag may butas na ang eardrum niyo at iyon ang pinatak ninyo may epekto siya dun sa istruktura sa loob na ginagamit sa pandinig.

Nurse Nathalie David: Dok, pwede palang mabutas ang eardrum. Some people can tolerate pain but can they live na punctured or butas ang eardrum?

Dr. Alex Dy: Ang pain naman po, masakit na masakit siya pag wala pang butas pero pag may butas na, biglang mawawala ang sakit pero dun nagsisimula ang luga, may lumalabas.

Nurse Nathalie David: Tapos hindi ka na rin nakakarinig or may gradual hearing loss.

Dr. Alex Dy: Never po normal iyong ear discharge. Hindi siya dapat ini-ignore.

Dra. Jennifer Almelor-Alzaga: Dapat tuyo ang tainga. Tulad ng sabi ni Dr. Dy, yung masakit muna tapos may lalabas nang luga, iyon ang kadalasan na nangyayari sa tinatawag naming acute otitis media. Nangyayari siya kadalasan pag inuubo, sinisipon, iyong may impeksyon tulad ng flu. Tapos mamaya susunod na ang masakit sa tainga. Masakit po siya kasi nagkakaroon ng tubig sa likod ng eardrum. Tapos walang mapuntahan yung tubig sa likod ng eardrum kasi barado ang ilong, hindi ito makababa sa ilong, at hindi rin ito makalabas sa eardrum kasi wala pang butas, kaya sasakit ang tainga. So dahil walang mapuntahan ang tubig, bubutasin niya ang eardrum at doon nagkakaron ng luga at nawawala na ang sakit. Tulad nga ng sabi namin ni Dr. Dy, wala nang sakit pero butas na ang eardrum.

What is the cause of middle ear infection (Otitis Media)?

Nurse Nathalie David: Iyon ang dapat din maiwasan dahil ito po ang sanhi ng pagkabingi or hearing loss. How is it connected sa pagkakaroon ng ubo? Normally po ba pag may ubo sasabihin ng ating mga tagapakining, dapat ba magpatingin na ako sa tainga dahil baka may mangyare sa akin?

Dr. Alex Dy: Hindi po, not all the time. Maraming mga sakit ang dahilan ay virus. Kapag virus, usually kusa lang gumagaling yung mga tao. However, let’s say may ubo ka na tatlong araw na tapos tumatagal or may pakiramdam na parang lumalala or may kasama na ibang mga sakit tulad ng lagnat, masakit ang tainga, masakit ang ulo, siguro importante na pong magpatingin na sa doctor.

Eustachian Tube

Image Source: https://www.semanticscholar.org/

Dra. Jennifer Almelor-Alzaga: Napakaimportante lalo na kapag sa mga bata. Kapag bata at pag pinabayaan po yung ubo, sipon, madalas sumusunod agad po iyong problema sa tainga dahil sa istruktura ng tainga natin. Mayroong tubo na nagko-connect sa tainga at sa ilong. Nasa may likod ng ilong iyon. At ang dahilan kaya may tubo ay para nagbubukas iyon tuwing tayo ay lulunok at ang hangin mula sa ilong pumapasok doon sa tubo papaakyat sa tainga natin. Ginagawa nung tubo na maging pareho ang pressure nung tainga at nung ilong. Dapat po kasi may hangin sa loob ng tainga. Ngayon kung may sipon ka, namamaga ang ilong, hindi tuloy nabubukas iyong koneksyon na iyon ng tainga at ilong. Sa matatanda yung tubo ay patayo ang direksyon pero kapag sa bata pahiga siya. So yung mga sipon mas lalo din umaakyat papunta sa ilong. Kaya ang bata madalas pag pinabayaan ang sipon susunod na iyong tainga.

Eustachian Tube of Child Vs Adult

Image Sources: http://eartisticmalaysia.blogspot.com

Nurse Nathalie David: Pag bata common ang pagkakaroon ng impeksyon sa tainga.

Dra. Jennifer Almelor-Alzaga: Saka ang bata hindi makakasabi sayo lalo iyong mga infants or toddler, so titingnan niyo kung ayaw nila ipahawak ang tainga, irritable sila, nagda-diarrhea, hindi na kumakain nang maigi, ibig sabihin there’s really something going on. Kailangan na po nating ipa-check up.

Nurse Nathalie David: Kaya pala siya karaniwan sa mga bata. Mayroon bang tamang paraan ng pagsinga ng sipon? Kasi it happened to me before sabi kasi nila left and right. Tig isang butas ng ilong at a time. Pero ako kasi ugali ko, sabay. So parang one time may tumunog sa tainga ko. Mejo may pain siya. May flu ako nun. Mayroon bang tamang pag-expel ng sipon o pagsinga?

Dr. Alex Dy: Ang importante lang po is iyong pressure. ‘Wag masyadong malakas tapos minsan kailangan nakabuka ang bibig, pero minsan mahirap kasi gawin iyon. Masarap din kasi na ilabas nang malakas yung sipon. Yung tubo kasi, ang isang function niya ay pag-equalize ng pressure sa labas at sa loob ng tainga. Ngayon ito rin ang dahilan kung bakit pag umaakyat tayo sa mataas na lugar o kapag lumilipad, sumasakit iyong tainga dahil may problema doon sa tubo. So sa paglabas ng sipon, siguro ang importante dun ay hindi masyadong malakas or controlled lang ang pagsinga.

Nasal Douching

Image Source: https://www.aahanentclinic.com/

Dra. Jennifer Almelor-Alzaga: Ang isa sigurong pwedeng gawin, kung masyadong malapot iyong sipon, ay gumamit kayo nung mga spray sa nose na panglinis. May mga over the counter po, ang preferred ko ay yung mga mas may pressure kapag ginamit mo. Ang gagawin nitong mga panglinis na nasal spray ay yung mga sipon na madikit at malapot, mas matatanggal, mas madali ninyong maisisinga. Hindi niyo na kailangan masyadong magpuwersa para hindi makasama sa tainga.

Nurse Nathalie David: 69 years old po na lalaki. Siya po ay may impeksyon sa tainga, binigyan ng antibiotics then a month after wala pa ring nangyayare. Ano po ang dapat nating gawin dun, Dok?

Dr. Alex Dy: Kadalasan ang mga impeksyon sa tainga na hindi gumagaling, kailangan na ng additional na examination. In this case, posibleng kailangan na ng CT scan para makita iyong pinakaloob ng tainga para makita kung gaano kalalim na ang impeksyon at kung ano na bang parte ng tainga ang apektado. Minsan kasi may resistensiya (resistance) na iyong mga mikrobyo sa loob, minsan naga-accumulate sila, nag-foform po sila ng tinatawag na cholesteatoma. Delikado po iyon kasi iyon iyong impeksyon na kumakain ng buto.

Chronic Suppurative Otitis Media Table

Image Sources: https://gadiwanhospital.com/; https://alyssahmoblog.blogspot.com/ ; https://quizlet.com/

Nurse Nathalie David: Kung hindi na gumagaling mainam po talagang bumalik kayo sa inyong mga ENTs. Another one po ito Dok kanina, hindi mahilig mag-cotton buds itong ating patient na na-stroke pero Dok may dugo daw po minsan na lumalabas sa kanyang right ear. Ano po ba ang dapat gawin?

Dr. Alex Dy: Kailangan niyo nang mag-follow up sa inyong ENT doctor para matingnan kung anong dahilan ng pagdudugo. Posible kasing may sugat lang sa labas or posibleng may iba pang problema. Pasilip na po kayo doon sa doctor ninyo.

Nurse Nathalie David: Iyong asawa daw po niya ay binata pa noon, hindi na po nakakaamoy, mga 2012 pa. Uminom daw po siya ng sobrang lamig tapos parang doon na po nagsimula na nawala na nga po ang kanyang pangamoy. Nagpadoctor po, sobrang dami ng gamot na binigay, wala pong nangyare. After a few years nagpa-ENT po at may binigay na pampatak, even the test na sinilip ang kanyang ilong, wala din nangyare. Siya ay 40 years old na ngayon, wala po siyang sinusitis, sinisipon lang tuwing tag-ulan, warehouse checker po ang kanyang trabaho.

Dra. Jennifer Almelor-Alzaga: Hawig sa tainga po kapag ganyang matagal na, paulit ulit na hindi nawawala ang problema, kailangan na po nating maggawa ng ibang examination. At para sa ganyan, sa ilong, kailangan natin ng CT scan. Kasi po yang mga sinuses po natin, ito po iyong mga parte ng ating ilong na dun ginagawa ang sipon. Hindi po namin iyon nakikita sa normal na examination kasi iyon po ay napapalibutan ng buto. So ang tanging paraan para makita po namin ang mga sinuses ay kung magpapa-CT scan. Maaari po kasi kaya po siya hindi gumagaling ay may problema na dun sa mismong sinus po niya. So kailangan ng CT scan at kung makitang may problema, dun na po maguusap kung ano next na gagawin – kung ooperahan ba o baka kaya pa ng gamot. Ang una pong step ay pa-check and then pa-CT scan.

Nurse Nathalie David: Very alarming Dok yung di ka nakakaamoy. Mas madaling ipakonsulta yung hindi nakakahinga sa ilong pero yung pangamoy mo nawala that is something else.

Dra. Jennifer Almelor-Alzaga: Kapag namamaga, iyong scent po ng pagkain hindi nakakaabot dun sa taas na parte ng ilong kung nasaan iyong nerves para sa pangamoy. Or kung may polyp, or may bukol o kung ano man. Maganda ipa-check na lang po.

What is the recommended method of ear cleaning?

Nurse Nathalie David: Sobrang hilig din po pala niyang magcotton buds.

Inadvisable Ear Cleaning Methods

Image Sources:
https://www.jamesallenonf1.com/ ; https://dailyfocusng.com/ ; https://shopee.com.my/ ; https://shopee.com.br/

Dra. Jennifer Almelor-Alzaga: Bawal po yan. Hindi po recommended na madalas maglinis ng tainga. Yung ear pick, yun yung parang may kawit, itapon niyo na po yan. Bawal po yan na gamitin sa tainga.

Nurse Nathalie David: Hindi nakakaamoy pero may panlasa naman daw po. Baka doon nga sa loob talaga ng ilong niya. Speaking of cotton buds, ano po ang magandang panlinis ng tainga – cotton buds or iyong spoon shape? Naku iyon na po iyong ear pick ang tawag.

Dr. Alex Dy: Well, sa choices niya (cotton buds or ear pick/spoon shape), NONE OF THE ABOVE. Minsan let’s say mga pasyenteng talagang malayo at walang access sa doctor, nagbibigay kami ng tinatawag na hydrogen peroxide o agua oxinada. Pinapa-dilute namin yun, 50/50, agua oxinada at sterile water. Tapos pwede kang magpatak ng 1-3 drops bago maligo or after maligo tapos pag maligo sumasama na iyong tutuli palabas.

Dra. Jennifer Almelor-Alzaga: Pero hindi mo kasi sure kung tutuli nga ba iyong nasa loob ng tainga mo, so baka mamaya may ibang bagay pala doon tapos naglagay ka ng agua. Ang puno’t dulo niyan is pacheck niyo muna.

Nurse Nathalie David: Mayroon talagang tutulihing bata. Maybe because of the oil production in the ear, pag ganito Dok is it advisable to visit you and have it cleaned or kahit sila nalang.

Dr. Alex Dy: Mas maganda talaga na you have it cleaned by a professional. Kasi if you clean it yourself, hindi naman kayo experienced, hindi niyo makikita or di niyo mavisualize. Ang ENT doctor siguradong marami na pong nalinis na tainga iyon.
Nurse Nathalie David: Yun ba yung ear candling?

Dra. Jennifer Almelor-Alzaga: Iba pa iyon. Pero hindi rin namin advised iyon. Yung ibang nago-offer ng ear cleaning, dapat sa ENT po kayo magpunta. Kasi kami inaral namin ang anatomy ng tainga. Matagal kaming nagtraining para diyan para magawa nang maayos at nang mabilis. Sinasabi ko sa mga magulang, pwedeng once a year pacheck niyo lang iyong bata para makita namin and para hindi naiipon masyado yung tutuli.

Dr. Alex Dy: Iyong loob ng tainga, yung balat dun, mejo manipis. Since manipis siya, sa ilalim nun may buto na, minsan dahil masarap maglinis, pabalik balik na dinudutdot, madaling masugatan. Kung ENT ang gumagawa, usually nakikita namin, matagal na kaming nagtraining para dun at iyong instrumento namin ay malinis din, sterilized din po iyon. Let’s say mahirap tanggaling iyong tutuli, minsan may konting namumula, kita agad iyon, nabibigay kaagad kami ng gamot. Minsan kasi kung dun sa ibang naglilinis, dun nagkakakomplikasyon. Ayaw natin iyong komplikasyon.

Nurse Nathalie David: Kasi sa bahay ang ear pick ng isa ay ear pick ng lahat. Iyon nga ang ating iniiwasan and even if you cover it with cotton, iyong paraan padin kasi nung paglinis ay nagma-matter doon.

Dra. Jennifer Almelor-Alzaga: Hindi ninyo kasi makita. Kami kita namin, dahan dahan kami. So ikaw na di mo kita, iyong chances na masugatan mo ay mataas.

Nurse Nathalie David: Nabanggit nga natin iyong sa paglilinis sa tainga, bukod sa paglinis ng doctor gamit din ang kanilang mga aparato, mayroon pang isa na way, na ang term ng ating listener na tumawag ay binomba ng tubig. Iyong tainga daw po niya ay matagal nang umuugong, binomba nadin po, ano pong dapat gawin?

Dr. Alex Dy: Yung pagbobomba ng tubig sa pagtanggal ng tutuli minsan ginagamit siya pero maganda din po na magpatingin kayo sa doctor kasi yung pagbobomba, tinitingnan muna namin kung may butas ang eardrum. Kasi kung magbomba ka ng tubig na hindi naman malinis, at may butas ang eardrum, pwedeng magkaroon lalo ng impeksyon iyong loob ng tainga at iyong tubig pag pumapasok sa eardrum minsan nakakahilo. Maganda talaga magpatingin muna sa doctor.

Dra. Jennifer Almelor-Alzaga: Ang eardrum po kasi ay parang proteksyon iyan ng loob ng tainga, para walang tubig na papasok sa pinakaloob ng tainga kapag naligo ka or nagswimming. Yung tubig hanggang dun lang sa labas ng eardrum. Kasi po malinis yung pinakaloob ng tainga sa likod ng eardrum. Kapag may butas ang eardrum, yung pinto ay parang laging bukas na. Kapag naligo ka or nagswimming, iyong tubig na madumi, pasok diretso kaagad dun sa loob ng tainga, magkakaluga ka na po. Kaya tuloy iyong butas mo hindi magsasara dahil paulit ulit iyong luga mo. Ang irrigation po ang tawag namin dun, iyong tubig na ginagamit pangbomba. Madalas ako ginagamit ko lang kapag hindi cooperative iyong bata pero otherwise mas hindi namin ginagamit iyong irrigation, more on suctioning kami.

Nurse Nathalie David: Siguro iyong kanyang concern dun sa ugong it might be something else. Topic na iyon sa susunod. Ito pong impeksyon sa tainga might cause different kinds of symptoms and iyong mga ibang sintomas rin mayroon din posibleng pang mga iba pang sakit sa tainga. Maraming Salamat din po dahil ito ay kino-colate po namin para din masagot po ng ating mga eksperto sa susunod ng guesting. May questions tayo tungkol sa tunog naman. Bakit may mga panahon po Dok na mamimingi ang aking tainga at ang aking pagsasalita ay nabibingi ako kapag malakas ang aking pamamaraan ng pagsasalita. Kapag hininaan ko naman hindi ako naririnig ng kausap ko. Madalas po itong nangyayari kapag bagong paligo po ako. Sanay matulungan niyo po ako. Salamat po.

Dr. Alex Dy: Magandang ipasilip iyong tainga sa espesyalista. Posibleng may tutuli sa loob. Minsan pagkatapos nating maligo, naga-absorb po kasi ng tubig iyong tutuli so pag lumalaki siya nababara niya ang buong tainga, humihina iyong pandinig.
Nurse Nathalie David: Dok, lahat po ba ng may sipon ay dahil sa allergy? At tama po bang mag-take ng gamot para sa sipon o uminom dapat ng anti-allergy?

Dra. Jennifer Almelor-Alzaga: Hindi po lahat ng sipon ay dahil sa allergy. Ang iba maaaring viral na impeksyon tapos napabayaan kaya nagkakaroon din ng bacterial infection. Pero iyong ibang tao nga po may allergy siya so maganda nga papacheck up niyo pag ikaw ay hatsing ng hatsing, lalo na sa umaga or pag may naamoy kang pabango, malakas na mga amoy, or pag may pagbabago sa weather dun ka mas humahatsing, iyon po ay mga senyales na baka ikaw ay may allergic rhinitis. Maaring din nangangati ang mata, nagluluha, iyon po ay mga kasama. Tapos iyong sipon ay parang tubig na tulo nang tulo so iyon ay more of allergic rhinitis. Ngayon ang iba naman po, pwede nga walang allergy pero sinisipon ka, maaring dahil humina ang resistensiya mo, natamaan ka tuloy ng virus or nahawa ka sa isang kasamahan mo. So pwede rin po na walang allergy ay magkakasipon pa rin. We don’t advise na mag-self-medicate, magpacheck ka parin.

Nurse Nathalie David: Isang araw lang daw niyang naramdaman ang sakit ng tainga, kailangan na ba po niyang magpakonsulta? Gaano po ba dapat katagal iyong pain before we consult to an ENT?

Dr. Alex Dy: My advise is, any pain sa tainga para sigurado magpatingin sa doktor. Minsan nawawala lang iyong sakit kapag may problema na. Example, iyong impeksyon sa loob, pag nabutas iyong eardrum mawala iyong sakit pero that in itself does not mean nawala na iyong impeksyon, ibig lang sabihin lumalabas na siya at nabutas na ang eardrum. So better pa din to be sure magpatingin sa doktor.
Nurse Nathalie David: Concern din po ito ng ating mga senior, minsan parang nageecho ang aking pandinig, mayroon na ba akong impeksyon sa tainga at ano po ba ang cause nito?

Dr. Alex Dy: Kung nageecho lang po posibleng may problema sa pandinig. Kung may obstruction sa pandinig or panghihina sa labas minsan mas marinig natin iyong sarili nating tunog o boses. Papatingin niyo po sa doctor kung mayroong nagbabara sa tainga, para malinis. Kung wala naming lilinisin baka kailangan lang po ng hearing test.

Can constant use of headsets/earphones harm my hearing?

Nurse Nathalie David: One good question mula sa ating listener, ang aking 7-year-old na anak ay mahilig sa tablet at nakaheadphones pa. Minsan daw po ay napakatagal isuot, ano po ba ang advisable time to wear them? Salamat po.

Dr. Alex Dy: Iyong headphones, concentrated kasi ang volume sa tainga. Iba’t ibang gadget, iba’t iba ang volume level. Sinusukat namin iyon actually in decibels at may maximum na allowable time bawat decibel. Usually ang advise ko diyan is kung nasa 50% more or less safe naman iyon pero pag tumataas ka na beyond 50% dapat umiiksi yung time na paggamit. May guidelines po kami dun although sa gadgets kasi wala naman exact measurement yung decibel so to be sure i-limit niyo po iyong anak ninyo. Wala pa naman silang masyadong ideya tungkol dun sa hearing loss. Better to be safe.

Dra. Jennifer Almelor-Alzaga: Siguro limit na mga 1 hour lang. Kunyare iyong katabi mo rinig na rinig mo iyong sound pero nakaheadphone, ibig sabihin nun sobrang lakas. Mayroon kasi iyong tinatawag naming noise induced hearing loss, humihina ang pandinig mo dahil sa sobrang exposure sa ganyang loud sounds. Siguro 1 hour is enough.

Dr. Alex Dy: Kung marinig ng katabi mo iyong music ng headphones mo, sobra na po iyon.

Nurse Nathalie David: Mayroon na Dok iyong iba ibang klaseng type ng earphones ngayon and ako mas comfortable ako dun sa in-ear so I limit myself using it kasi baka nga may napupush na mga dumi sa tainga ko.

Dr. Alex Dy: Ang pinagkaiba ng in-ear sa headphones, ang headphones mas maganda niyang iblock yung external na sound. So dahil maganda ang pag block niya ng external sounds, sa mas mababang volume level naririnig mo na yung sounds from the headphones. Ang disadvantage ng in-ear minsan dahil papasok siya, palabas iyong tutuli, napupush paloob yung tutuli. May mga pasyente rin akong nagkakaron ng impaction na tutuli.

Ear Drum Perforation

Image Sources: https://alyssahmoblog.blogspot.com; https://dontforgetthebubbles.com/otitis-media/ ; http://www.maurya.foundation/; https://entokey.com/ ; https://sydneyentclinic.com/ ; https://gadiwanhospital.com/

Nurse Nathalie David: So dapat talaga magingat din sa paggamit ng headphones or earphones. One last question, iyong may butas na ang eardrum bumabalik pa po ba ito – magsasara pa rin? Salamat po.

Dr. Alex Dy: Ang sagot diyan ay depende. Depende sa gaano kalaki iyong butas. Usually, pag mas maliiit mas malaki iyong chance na magsara although may limit siya. May maximum na size na hindi na talaga siya magsasara. Depende din kung mayroon impeksyon sa loob. Depende din sa exposure niya sa lugar, kung mahilig siyang lumangoy or mahilig siya magkalikot ng tainga. Pwedeng pabalik balik iyong injury pag ganun. Hindi magsasara iyong butas ng tainga.

Dra. Jennifer Almelor-Alzaga: Importante din ang tamang pag-alaga niyo po ng tainga niyo. Pag nasabihan kayong may butas. Alam niyo na bawal na kayong mag-swimming, pag maliligo alagang wag mapasukan ng tubig, pag nagsipon agapan agad.

Nurse Nathalie David: Last question na – ano po ba ang dapat gawin kapag napasukan ng tubig sa tainga? This is common, kasi ako, tumatalon ako. Tama ba iyon Dok?

Dr. Alex Dy: Well, in a normal ear, sarili naman natatanggal ang tubig. Usually inaantay lang natin. Minsan sa positioning. Hihiga ka ng one-side, usually after 30 minutes to 1 hour natatanggal na yung tubig sa tainga. Hindi naman kailangan linisin or kailangang magpasok ng kahit ano sa tainga kasi wala namang lalabasan iyong tubig sa loob. Lalabas naman siya.

Nurse Nathalie David: Any final message for the topic today.

Dr. Alex Dy: So ang payo namin sa mga tagapakining natin ngayong umaga kapag po nagsusupetsiya kayo na may impeksyon kayo sa tainga at nakakaramdam kayo ng kagaya ng nabanggit namin, pagsakit, pamumula, pamamaga o pagkaroon ng luga, importante po na magpatingin sa inyong ENT specialist. Gaya po ng halos lahat ng sakit sa kahit anong parte ng katawan kapag maaga po nadiskubre ang impeksyon sa tainga madali lang gamutin. Pero pag pinatagal natin posible pong kailangan ng operasyon at maari pang kumalat ang impeksyon paloob papunta sa utak.

Dra. Jennifer Almelor-Alzaga: Huwag po matakot na pumunta sa ENT. Pag may kakaibang nararamdaman, nagbabara, may masakit, may lumalabas, napakasensitive din kasi ng tainga, maganda po ipapacheck niyo sa espesyalista. At sa mga bata, pansinin niyo iyong mga behavior nila kasi hindi makakapagsabi sa inyo yan kung may problema. Kung may kakaiba sa behavior nila pacheck niyo na din sa ENT para maagapan po natin kung ano man ang nangyayare sa loob ng tainga.

Request an Appointment at ENT Manila

Book Appointment